^

PSN Showbiz

Lani may shingles, postponed muna ang concert!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lani may shingles, postponed muna ang concert!
Lani
STAR/ File

Naku, Ateng Salve, alam  mo ba na may sakit ngayon ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha?!

Ang concert nga niya sa Morongo Casino Resort & Spa sa Cabazon, California on Sept. 18, ang Yesterday Once More, ay mare-reschedule.

Inaayos pa raw ng mga producer kung kailan nila puwedeng ma-reschedule ‘yon at baka sa November daw dahil sa December ay babalik na ng ‘Pinas si Lani dahil magsisimula na silang mag-taping para sa new season ng The Clash ng GMA 7.

Magkakaroon ng official statement ang produ­cers ng Yesterday Once More kung kailan na ‘yon, pero ayon sa isang source namin (at hindi naman daw ikinakaila ng kampo ni Lani), ang sakit daw ng Asia’s Nightingale ay shingles (na ayon sa na-Google namin ay reactivation of the chickenpox virus in the body, causing a painful rash. Anyone who’s had chickenpox may develop shingles. It isn’t known what reactivates the virus. Shingles causes a painful rash that may appear as a stripe of blisters on the trunk of the body) at kasalukuyan siyang nagpapagaling.

Naku, ang bongga pa naman ng video plugging na ginawa ng Concert King na si Martin Nievera para sa concert na ‘yon ni Lani.

Anyway, mabuti na lang ‘yung Together Again GMA Pinoy TV two-night show sa Pechanga Resort Casino sa Temecula kung saan kasama ni Lani sina Bea Alonzo, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose at Dingdong Dantes ay sa Sept. 24 & 25 pa kaya mukhang magaling na siya by that time.

Ang alam ko, may VIP night ang stars ng Together Again on Sept. 23 para sa mga sponsor at sumusuporta sa special event na ‘yon ng international cable channel ng Kapuso Network. Sana kayanin na ni Lani ‘yon.

Well, sana nga! Praying for her speedy recovery.

Xian at Marco, iniwan ng eroplano sa Canada

Alam mo, Ateng Salve, marami ang nagtatanong kung sino raw ba ang may kasalanan at naiwan ang grupo nina Xian Lim at Marco Gumabao ng flight nila from Canada to Philippines?

Nang makachikahan namin ang Viva Artists Agency handler ni Xian na si Mhit Pimentel, naikuwento niyang ang sinakyan nilang plane from Calgary ay delayed na, kaya naiwan daw sila ng Korean Air flight nila pa-Manila.

Dahil ang may kasalanan nga ay ‘yung airline company nga na sinakyan nila from Calgary, hindi na sila namroblema pa at inilipat daw sila sa Philippine Airlines, kaya nakauwi rin sila kaagad ng Manila.

So, malinaw, hindi sila ang may fault, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

LANI MISALUCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with