^

PSN Showbiz

Zion nina Richard at Sarah, ayaw na ng larong pambata!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Zion nina Richard at Sarah, ayaw na ng larong pambata!
Sarah, Kai, Richard at Zion
STAR/ File

BEVERLY HILLS, CA. – Malapit nang mag-lock-in si Richard Gutierrez sa bago niyang Kapamilya series kaya nag-beach bonding na sila ng misis na si Sarah Lahbati at mga anak na sina Zion at Kai.

Kahapon sila bumalik ng Maynila mula sa El Nido, Palawan na paborito nilang pagbakasyunan. “Family time muna kami kasi malapit nang mag-lock-in si Chard for his new show. Si Zion, since face-to-face na ang classes niya, nag-absent muna.

“Important din naman na nagkasama-sama kami bago mag-work uli si Chard,” ang chika ni Sarah.

Masaya raw sina Zion at Kai na kasa-kasama nila ang kanilang “Dada” (tatay). Sabi nga ni Sarah, sanay na rin naman ang mga anak nila ni Richard na nagba-bonding sila bago mag-lock-in taping ang kanilang tatay dahil gusto rin daw kasi ni Ri­chard na ma-enjoy ang mga anak nila habang lumalaki ang mga ito.

Sa bilis nga namang lumipas ang mga araw, aba, hindi nila namamalayan na ang laki na pala nina Zion at Kai.

Actually, si Zion nga, at the age of 9, parang malapit nang mag-teenager ang dating, huh! Sa football na nga siya nahihilig ngayon at hindi na sa mga larong pambata.

Angeline, naglilihi na ulit?!

Pagdating sa Los Angeles, California kahapon ay nagpahinga lang si Angeline Quinto sa hotel na tinutuluyan nila ngayon sa Anaheim at nang magising ng bandang 5:00 p.m. ay nag-ayang mag-dinner sa Boiling Crab.

Sayang nga, Ateng Salve, dahil kasama namin si Chemist Pinky Tobiano at mister niyang si Juancho Robles (with their secretary Anya Camacho), kaya nang tawagan ako ni Ms. Vina Verastigue para sa isama sa dinner with Angeline ay nag-beg off na ako.

Magkikita rin naman kasi kami ni Angeline sa presscon nila ng 10Q anniversary concert niya.

Anyway, kuwento ni Ate Vina na kasama nga sa dinner na ‘yon, nagke-crave raw sa seafood si Angeline kaya gusto ng Kapamilya singer na sa Boiling Crab sila kumain.

Actually, may mga pagkain talaga na kine-crave si Angeline, pero ayaw naman naming magduda na baka may kasunod na si Baby Sylvio niya, huh!

Noong nagkatsikahan nga pala kami ni Angeline, naikuwento namin sa kanya na noong hindi pa niya inaamin last year na buntis siya at kasama siya sa concert tour ni Vice Ganda, napansin na talaga namin na may something sa kanya lalo na noong after ng isang show nila sa Pechanga Casino ay kumain na siya sa isang Mexican restaurant at nag-crave pa siya ng Chinese food kaya biglang nag-join siya sa amin ni Tita Mary Ann Opeña.

In her defense naman, sinabi ni Angeline na hindi dahil buntis siya kaya matakaw siya that time. Mas gusto lang daw niya ng Chinese food.

‘Yun na!

vuukle comment

KAI

RICHARD GUTIERREZ

SARAH

ZION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with