^

PSN Showbiz

Martin, ‘di namimili ng kaibigan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Martin, �di namimili ng kaibigan
Martin
STAR/ File

Cute naman ‘yung balita ni Jun Lalin na nag-blowout si Martin Nievera sa solid fans niya ng isang dinner, Salve. Talagang napakabait ni Martin, ever since kahit noon pa, magalang, sweet at very open ang friendship niya sa lahat.

Hindi siya namimili ng tao na kakausapin, hindi siya ‘yung tipo na merong leveling sa mga gusto niya. Friendly siya sa lahat.

Kaya naman ever since, malapit ang puso ng showbiz writers sa kanya.

Kaya nga gaya rin ng pagmamahal ko kay Marco Sison at Mark Bautista, ganun din ang love ko kay Martin. Tatlong singers na hindi ko malilimutan dahil nagbigay panahon kay Bong Revilla noong nasa Crame siya.

Forever grateful guys, will never forget.

‘Mga may sakit, nagiging emosyonal’

Siguro nga ‘pag may sakit ka, emotional lagi ang feeling mo. Madali mong maa-appreciate lahat ng bagay na ginagawa sa iyo. Ngayon ko nga naisip ang laki ng mga nagagawa nina Salve at Gorgy sa buhay ko. At talagang nakita ko ang honest care nila sa akin.

Ngayon ko rin naisip na kung wala ang mga ibang tao sa paligid ko, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon.

‘Pag maysakit ka kasi, madalas nagri-rewind ang mga bagay sa utak mo. Madalas you look back, at doon mo makita ang mga bagay na lumagpas dati sa paningin mo.

Kung minsan, dapat talaga makaramdam ka ng sakit para makita at ma-appreciate mo ang ibang bagay.

Hay naku, talagang self-pity na ang nararamdaman ko, parang inapi, pinabayaan, at hindi mahal kaya meron akong sakit.

vuukle comment

MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with