^

PSN Showbiz

KC, nairaos ang pelikula dahil sa crowdfunding

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
KC, nairaos ang pelikula dahil sa crowdfunding
KC Concepcion.

BEVERLY HILLS, CA. – Ateng Salve, naimbitahan ako ng mag-asawang Imee Ong at Richard Maghanoy sa anniversary event ng kanilang iSkin Med Spa kahapon ng umaga (bale Saturday evening dito sa California).

Ang endorser nilang si KC Concepcion ang special guest sa event na ‘yon.

Nang makita ako ni KC, kaagad na siyang nakipagchikahan.

May jet lag pa pala ang panganay nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Kagagaling lang niya ng Italy. “I just arrived from Italy... last night lang,” sey ni KC.

Nabanggit ko nga sa interbyu ko sa kanya na nandirito rin ngayon sa Amerika ang tatay niya, kaya ang sabi niya, “Yes, three hours kaming nagtelebabad ni Papa. And it’s nice to be best friend with your father.”

Natanong ko rin sa kanya ‘yung tungkol sa kuwentong nakarating sa akin na may producer na balak silang pagsamahin sa isang show rito sa Amerika at um-oo naman si KC at sana nga raw ay matuloy ‘yon.

Anyway, nang magsimula na ang iSkin Med Spa event ay nagsalita si KC at pinasalamatan ang lahat ng mga nagpunta roon. Tuwang-tuwa naman ang mga naimbitahan sa event na ‘yon dahil ang sarap chumika ni KC.

Nabanggit nga niya na “home” niya sa lugar na ito ang nasabing beauty clinic. Halos araw-araw nga raw siya roon na nagpapa-treatment bago niya sinimulan ang pelikulang Asian Persuasion, na natapos na nga raw at halos inabot daw siya ng limang buwan sa New York City dahil sa shooting ng proyektong ‘yon.

Nag-thank you siya sa mga tumulong na i-fund ang kanilang pelikula at nasa post-production na nga raw ‘yon at malamang na sa January na ipalalabas ang Asian Persuasion. “We really rallied for a crowdfunding,” at dahil tapos na nga raw ang shooting ng pelikula ay nasa editing stage na ito.

Funny nga raw ang nasabing pelikula dahil romantic-comedy ito.

Naikuwento rin niya na may anak siya sa nasabing pelikula.

Anyway, Ateng Salve, mapupuri mo talaga si KC dahil sobrang bait at sweet niya kapag nakakachikahan namin siya. In fairness, manang-mana siya sa nanay niyang si Sharon pagdating sa PR sa entertainment press.

Bongga!

Ruffa, fake news ang pagpapakasal sa aktor-pulitiko

Nakakaaliw lang ang ibang mga Pinoy na nakakachikahan namin dito. Aba, nang um-attend ako sa isang birthday event sa may Hilton Hotel sa may Universal City, kinulit-kulit ako ng isang guest kung totoo raw bang magpapakasal na sina Ruffa Gutierrez at ang actor-politician?

Sabi ko, wala pa ngang kumpirmas­yon ang dalawa tungkol sa sinasabing relasyon nila, may kasalang magaganap na?

Sabi naman no’ng kausap ko,

“­Umamin na sila!” Napa-”Ha?!” na lang ako dahil wala naman talagang inaamin sina Ruffa at ang actor-politician.

Sabi ko na lang sa chumika sa akin, ang hilig nila kasing naniniwala sa mga fake news na nagkalat sa internet.

Well, nakakaloka naman kasi ang ibang mga nagpo-post sa internet, talagang ang gagaling nilang mag-imbento ng mga balita, ‘noh?!

‘Yun na!

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with