^

PSN Showbiz

Regine, mas napamahal pa kay Ogie! 

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Regine, mas napamahal pa kay Ogie! 
Regine at Ogie
STAR / File

Kamakailan ay napabalitang nagkakaproblema na diumano ang relasyon nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Nilinaw naman ng mag-asawa kung ano ang tunay na estado ng kanilang pagsasama. “Ano lang ‘yan, siguro hindi naman pwedeng mawalan ng basher, hindi ba? Minsan kasi kapag nakikita nila ang liga-ligaya n’yo, ‘yon lagi ang pupukulin. Kaya huwag mo na pansinin,” pahayag ni Ogie.

Ayon naman kay Regine ay mas napamahal siya sa asawa simula nang magkaroon ng pandemya. “Actually, natawa ako kasi alam kong hindi. You know, since we’ve been together for 11, magtu-12 (years). Sinasabi ko ito sa kanya lagi, mas mahal ko siya ngayon kaysa dati. Enjoy na enjoy akong kasama ang asawa ko na noong umalis siyang States ay hindi ko kaya. Iyak ako nang iyak talaga. Kasi parang ang tagal naming magkasama, kami-kami lang, tapos biglang ina­lisan ako, pumunta ng States,” nakangiting kwento naman ni Regine. Matatandang nagkaroon ng series of shows si Ogie sa Amerika noong Marso kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Para sa Asia’s Songbird ay talagang nakumpleto ang kanyang buhay nang pakasalan siya ni Ogie. “He’s my best friend and I always say this, it’s wonderful to be married. It is wonderful to be married, provided that you are married to the right person. Kaya natawa ako sa balita na gano’n, kasi hindi eh,” giit ng singer.

Diego, ayaw pilitin si Joaquin na pakasalan ang anak na si Raffa

Anak ni Diego Castro si Raffa na kasintahan ng anak ni Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. Para sa dating aktor na isa ng news anchor ngayon sa TV5 ay wala namang problema kung hindi pa pakakasalan ni Joaquin ang kanyang anak na napabalitang buntis kamakailan. “Ayaw ko silang i-pressure kasi ang importante ‘yung family ng anak ko at family ni JD (palayaw ni Joaquin) masaya. Kasi siyempre may mga problems at kailangang ayusin, mga bata pa sila. They asked me kung anong opinion ko, sabi ko kay JD na it’s because you got my daughter pregnant you’re not forced to get married. Sabi ko when you’re ready kasi alam ko ‘yan. Nangyari sa akin ‘yan eh. So I don’t want them to commit the same mistakes,” pagbabahagi ni Diego.

Ayon sa dating aktor ay hindi pa rin sila nagkakausap nang personal ni Isko tungkol sa sitwasyon ng mga anak ngayon. “Ang importante naroon ako for them. Nando’n si Isko for them kahit hindi pa po kami nagkikita, okay na ‘yon. We were supposed to meet long time ago kaso nag-campaign siya tapos ako bago sa work ko sa news. So ang schedule namin magkasalungat pero with Joaquin, siya ‘yung nakakausap ko. Tapos after election nag-vacation na sina Yorme. So siguro sometime soon magkikita-kita for lunch,” paglalahad ng news anchor. (Reports from JCC)

vuukle comment

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with