Joshua,nailang kay Jane
Noong Biyernes ay napanood na sa unang pagkakataon ang pagpapalit anyo ni Jane de Leon bilang si Darna sa Mars Ravelo’s Darna. Kabilang din si Joshua Garcia na gumaganap bilang si Brian na isang pulis sa naturang serye. Ayon sa aktor ay talagang kaabang-abang din ang pagiging Valentina ni Janella Salvador. “Abangan n’yo ‘yung Valentina. Actually nanonood ako no’ng unang first Valentina niya na eksena. Ang ganda ng unang pagkakaganap niya. Ang ganda rin ng shot ni direk Chito (Roño). Actually excited ako na mapanood n’yo si Valentina. At may love arc na mangyayari. Abangan natin,” nakangiting pahayag ni Joshua.
Noong unang mga araw sa trabaho ay nagkaroon pa raw ng ilangan sa pagitan nina Joshua at Jane. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal ang dalawa. “Okay siya, siyempre sa una medyo awkward pero habang tumatagal nagiging close kami and lumalabas na rin sa mga screen. Actually, ‘yung last scene namin natutuwa ako kasi parang hindi na kami nag-eeksena. Parang nag-uusap nalang kami. Ang laki ng improvement,” pagbabahagi ng aktor.
Mark Anthony, lima ang anak sa iba-ibang babae
Mag-isa nang namumuhay ngayon si Mark Anthony Fernandez sa Pampanga. Bihira na lamang na makasama ng aktor ang limang anak sa iba-ibang babae. “May 22 year old na akong anak, tapos si Grae Fernandez, adult na rin siya. Pero parang kapatid ko lang. ‘Yung ibang baby pa, dalawang 7 at isang 6 (years old). Hindi naman po sa ginusto ko maging pilyo. Nagmumukha lang pilyo pero mas nasawi, lonely hearts club,” pagtatapat ni Mark Anthony.
Nakapagbibigay naman umano ng suporta ang aktor sa lahat ng mga anak. Mayroong kasunduan sa pagitan ni Mark at ng mga ina ng kanyang mga supling. “Buti na lang nagkasundo kami sa kasunduan na kapag mayroon ako ay doon ako magbibigay, lalo na kapag may marami (trabahong ginagawa). Sa mga anak ko, mahal na mahal ko kayo. Babawi ako sa inyo sa oras na may pagkakataon ako na makabawi ng kabutihan. Nagkaganito lang, maiintindihan n’yo paglaki n’yo. ‘Yung mga ginawa kong bagay para rin sa inyo,” mensahe ng aktor.
Ayon kay Mark Anthony ay nawala na rin ang kanyang masamang bisyo na dating ginagawa. Matatandaang nakulong noong 2016 ang aktor dahil nakumpiskahan ng marijuana sa isang checkpoint sa Pampanga. Ngayon ay ang paglalaro ng basketball at pagwo-workout sa gym ang pinagkakaabalahan ni Mark Anthony kapag walangtrabaho. “Wala nang gano’n, matagal nang walang gano’n. Pero adhikain like ‘yung sa weed, part ako na i-legalize ‘yung weed. Pero other than that San Miguel lang, beer. Pero parang marami ang nagsabi sa akin ‘yung naging kaso ko noon ay naging eye-opener din siya to legalize weed. Marami ang gustong i-legalize na ang weed after no’n,” paglalahad niya.
(Reports from JCC)
- Latest