^

PSN Showbiz

Darna, nag-reshoot para sa pasabog na eksena

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Darna, nag-reshoot para sa pasabog na eksena
Jane
STAR/ File

Nag-trending ang #LipadDarna nung nakaraang Biyernes dahil sa costume reveal na ni Jane de Leon bilang si Darna.

Hanggang kahapon ay nasa top 10 tren­ding pa rin ito, at ilan sa mga post ng netizens ay ikinukumpara nila ang Darna look ni Jane kay Gal Gadot bilang si Wonder Woman.

Puwedeng ‘yun ang peg nila, na maganda naman.

Meron ding ilang nagpu-post na kinukumpara nila ang Darna ni Jane kay Marian Rivera at Angel Locsin, na parehong nasa GMA 7 pa ang seryeng ‘yun.

Matindi ang tapatan ng primetime shows dahil lalo pang gumaganda ang pag-usad ng kuwento ng Lolong.

Pero in fairness naman sa Lolong, plakado na ang lahat na kung saan ay timing din sa pagsisimula ng Darna ang pagpasok ng mga bagong karakter sa pangalawang yugto ng adventure serye ni Ruru Madrid.

Bongga naman! Pati ang drama ng karakter na ginagam­panan nina Arra San Agustin at Vin Abrenica.

Kaya effort ang pagpapaganda nila sa Darna, at nagawa nilang paingayin sa social media, dahil forte naman talaga ito ng ABS-CBN 2.

‘Di ba bago nila pinalipad si Darna ay inilabas muna nila ang exclusive interview ni Ogie Diaz kay Jane na inilahad ang mga kahirapang pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya?

Ang bongga ng timing ng promo!

Pero totoo kayang nag-reshoot ang Darna nung Huwebes ng limang sequences na ipinalabas nila nung Biyernes?

Hindi ko alam kung ano ang mga inayos at idinagdag na eksena, pero reliable ang nagtsika sa aming nagkumahog sa pag-reshoot itong fantaserye ni Jane de Leon para sa pasabog na episode niya nung Biyernes.

Ysabel, may pressure sa what we…

Feel good naman ang mararamdaman mo sa bagong drama series ng GMA 7, ang What We Could Be na ipapalit sa malapit nang matapos na Bolera.

Ito ang first collaboration ng Quantum Films sa GMA 7 sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Napanood namin ang pilot episode nito at ang gaan lang panoorin. Diyan naman magaling sa pa-feel good si direk Jeffrey.

Pero malaking challenge ito kay Ysabel Ortega dahil siya talaga ang nagdala ng pilot week nito.

Magaling ang 23-year-old Kapuso actress na hindi nagpahuli sa mga magagaling na co-actors na sina Celeste Legaspi, Soliman Cruz, Joel Sarachi, Aleck Bovick at ang bading niyang bestfriend doon na si EJ Jallorina.

Tinanong nga namin kay Ysabel sa nakaraang mediacon ng What We Could Be kung ano ang reaksyon ng Mommy niyang si Michelle Ortega pagkatapos panoorin ito sa advance screening na ginanap sa Trinoma. “My mom, sobrang happy siya for me. Kasi of course, after everyone, you know my mom has been my bestfriend. Siya ang nakaalam ng passion ko, ‘yung journey ko sa craft ko na ‘to.

“I guess, her seeing my scenes and you know finally watching with… we’ve been working hard for the past few months, sobrang natuwa siya. Not just her, but my Dad as well. Sabi nga nila, nagpapasahan pa sila ng panyo sa cinema. Which nagulat ako, because my Dad doesn’t usually cry from movies.

“It was really nice to know that they’re proud of me.

Talagang, natutuwa ako na nandiyan sila for me all the time. And yeah… they’re just very happy.”

Ang Dad na tinutukoy ni Ysabel ay ang stepfather niyang si dating PDEA Director General Greg Pimentel.

Parang anak na rin ang turing ni Gen. Pimentel kay Ysabel na sobrang suportado siya.

Kaya hindi naman itinatanggi ni Ysabel na may pressure sa kanya itong pagsisimula ng What We Could Be.

“For me of course, there was pressure. But at the same time, it wasn’t just me who is part of the pilot. It was of course Ms. Celeste, Ms. Joyce and my whole family,” pahayag ni Ysabel.

Ang pamilya muna ni Ysabel ang unang mapapanood sa seryeng ito.

Mas kaabang-abang ang tambalan nila ni Miguel Tanfelix na grabe rin ang pagbibigay halaga sa samahan nilang dalawa.

Dagdag pa rito ang ka-triangle nilang si Yasser Mata na puring-puri siya sa seryeng ito.

vuukle comment

DARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with