^

PSN Showbiz

Iza, buntis na?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza, buntis na?!
Ben at Iza
STAR/ File

Happy birthday muna sa kaibigan naming si Iza Calzado na nagdiriwang ng kanyang 40th birthday ngayong araw.

Nasa Poole, UK sila ng asawa niyang si Ben Wintle para magbakasyon sa lugar ng pamilya Wintle.

Sabi nga nila ‘life begins at 40,’ at sunud-sunod ang blessings na dumarating kay Iza.

May bago siyang project na exciting para kay Iza dahil naiiba siya.

Siya ang bida rito sa mala-K-drama inspired na series na pinamagatang K Love na mapapanood sa Viu.

Makakasama niya rito sina Sue Ramirez, Isa­belle Daza, Gabby Padilla at Jake Cuenca. Tamang-tama naman na isi-celebrate na rin niya ang kanyang 20th anniversary sa showbiz.

Pero ngayong 40 na si Iza, may inaasahan kaming magandang sorpresa mula sa kanya na maaaring magpapabago ng kanyang buhay.

Hindi pa raw puwedeng i-announce sa ngayon, pero alam namin malapit na. Abangan na lang natin.

Ruru, sinorpresa ni Bianca sa Korea

Impressive ang bagong trailer ng Lolong na nasa pangalawang yugto na.

Papasok na sa pangalawang yugto na kung saan

madadagdag sa cast sina Alma Concepcion, Rafael Rossel, Lucho Ayala at Thea Tolentino.

Mas maaksyon at marami pang rebe­lasyong ilalahad ng kuwentong ito ni Lolong at ng buwayang si Dakila kaya consistent pa rin itong mataas ang rating.

Hindi naman itinatanggi ni Ruru Madrid na may pressure sa kanila kapag may bago na namang itatapat sa kanila.

Pero ang mahalaga sabi niya, : “Kung ano man po ‘yung darating na kalaban, okay lang. Lahat po tayo ay nagbibigay ng kasiyahan para po sa lahat na manonood,” pakli ni Ruru sa nakaraang mediacon ng Lolong habang nagti-taping pa siya sa South Korea para sa Running Man Philippines.

Pero hindi nakaligtas si Ruru sa kantiyaw mula sa production staff at co-actors dahil kay Arra San Agustin na kasama niya sa seryeng ito.

Hindi naman nila itinatangging may nakaraan silang dalawa. Nilinaw naman ni Ruru na nanligaw daw siya kay Arra noong panahon ng Encantadia, pero hindi naman daw natuloy ‘yun.

Nang nagkasama sila rito sa Lolong, hindi naiwasang nagkaroon ng ilangan sa kanilang dalawa dahil kinakantiyawan pa sila.

“At first, may mga ilangan, pero sabi namin ayaw namin masayang po ‘yung project because of that ilangan. Mas nangibabaw po ang pagiging magkaibigan po namin dito. Not just me and Arra, but also sa lahat po ng cast na bumubuo ng Lolong.

“Naging isang grupo po kami. ‘Yung ilangan po wala na po talaga. Inaasar po kami sa set, pero para pagaanin lang po dun sa set.”
Parang nahiya si Arra nang tinukso na naman sila ulit.

Sabi ni Arra:  “Halos lahat, siya po ang kaeksena ko po rito. So, ‘yun eh magkaibigan naman po kami ni Ruru, madali lang po maintindihan, eh may sari-sariling buhay naman po kami. So, mas madali po. Eh nandiyan po ‘yung mga pang-aasar nila. Nakakatulong naman to loosen up.”

Obvious namang masaya ngayon si Ruru dahil nandun ngayon si Bianca Umali sa Korea para dalawin siya.

Ang sweet nga nilang dalawa sa kanilang Instagram post habang nasa Korea.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with