^

PSN Showbiz

Kilalang artista, habit na ang retokihin ang mga picture sa social media!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Ateng Salve, naaaliw ako sa mga picture ng isang kilalang artista dahil obvious na ang galing niyang mag-photoshop, huh!

Kapag si kilalang artista kasi ang nagpo-post, aba, medyo lumiliit siya. Pero kapag titingnan mo naman ang pino-post ng ibang mga kasama niya ng same pictures, aba, malaki siya dahil hindi naman photoshopped ang mga ‘yon.

Pero may ibang mga kaibigan si kilalang artista na natututo na ring i-photoshop muna ang mga picture na kasama siya bago nila i-upload ‘yon sa kanilang social media accounts.

May isang picture nga na pinost ang isang kaibigan ni kilalang artista na sobra silang pumayat dahil kailangan nilang i-photoshop ‘yon. Ang problema lang, naging mahaba ang mga baba ng mga kasama ni kilalang artista dahil nga sa photoshopped na ang picture na ‘yon.

Naku, bawal naman ang body shamming ngayon, bakit hindi na lang hayaan ni kilalang artista na makita ng mga fans ang talagang itsura niya ngayon?

Alam mo, Ateng Salve, very proud ako sa size ko dahil mataba talaga ako at hindi ko kailangang itago ‘yon sa pamamagitan ng pagpo-photoshop, huh!

Sen. Imee, nag-positive

Wala sa red carpet premiere ng Maid in Malacañang sa Laoag City si Senator Imee Marcos noong Sunday.

Hindi sinabi kung bakit wala si Sen. Imee sa nasabing event, pero sa Cebu City ay nando­roon siya.

Pero kahapon nga, lumabas ang balitang nag-positive si Sen. Imee sa COVID-19 at si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nagsabi ng tungkol doon sa kanilang plenary session.

Samantala, nakabalik na ng Maynila kahapon si Direk Darryl Yap at ang cast ng pelikula na kasama sa Laoag City.

Pabalik pa lang sila ng Maynila ay nag-usap-usap na sila na pupunta ng SM Fairview.

Napakalakas ng Maid in Malacañang sa mga sinehan sa mall na ‘yon at naka-1 million plus nga sa isang araw lang kaya gusto ni Direk Darryl na magpakita roon para pasalamatan ang mga taong nanonood kahapon.

Nang maka-chat ko si Direk Darryl paglapag ng Maynila ng sinakyan nilang eroplano mula Laoag City, sinabi niyang dederetso siya sa SM Fairview. Ang alam ko, sasama rin si Karla Estrada dahil malapit lang naman doon ang bahay niya.

‘Yun na!

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with