^

PSN Showbiz

Kwento ng viral candy vendor, itatampok ni Noli 

Pilipino Star Ngayon

Kikilalanin ni Noli de Castro si Angelito Gino-gino o Lolo Pops, ang viral lolo na naglalako ng mga kendi mula Angeles, Pampanga ngayong Linggo (Agosto 7) sa KBYN: Kaagapay ng Bayan.

Sa kabila ng edad ni Lolo Pops, patuloy pa rin ito sa pagtitinda para matustusan ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawa na na-stroke noong 2011.

Matapos ihinto ang kanyang paglalako dahil sa pandemya, bumalik sa pagbebenta ng pastillas at polvoron si Lolo Pops gamit ang kanyang pedicab. Sa tulong rin ng kanyang anak, nabibili na ang kanyang mga paninda online. At mula sa kanyang pagtitinda, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay nila.

Naglakbay rin ang grupo ng KBYN patungo sa Real, Quezon para makilala si Julio Resumen, isang kargador na patuloy na nagtatrabaho kahit unti-unti nang nawawala ang paningin. Dinala ng KBYN si Julio sa isang espesyalista upang malaman kung may lunas pa ang kanyang kondisyon.

Samantala, tutuklasin din ng beteranong mamamahayag ang pag-aalaga ng mga ornamental fish ng mga hobbyist na sina Mike Go at Rainard Yu. Nag-aalaga si Mike ng mga pambihirang gold fish sa kanyang farm sa Guagua, Pampanga na nagkakahalaga ng P10K at isinasama ang mga ito sa ornamental fish competitions. Tulad ni Mike, nag-aalaga rin si Rainard ng guppies at ibinebenta ito sa iba’t ibang panig ng mundo.

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with