^

PSN Showbiz

Tom at KC, wala pang balak bumalik ng ‘pinas

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Tom at KC, wala pang balak bumalik ng �pinas
Tom Rodriguez.

BEVERLY HILLS, CA. – Mukhang dito muna sa Amerika si Tom Rodriguez dahil nakita namin na isa siya sa mga special guest sa grand coronation night ng Miss Philippines USA ng fashion designer na si Ms. Lou Razon.

Gaganapin ‘yon sa Aug. 13 at ang Alex Theater sa Glendale ang venue nila.

May partisipasyon din doon si Miss Universe 1969 Gloria Diaz at ang anak niyang si Ava Daza.

Si Cher Calvin with Tony Cabrera ang hosts no’n.

Dati, kapag maraming mga artistang nagsu-show sa Amerika ay gumagawa sila ng GMA Telesine.

Bakit kaya walang makaisip na gumawa ng ganoon ngayon lalo na at maraming mga artista rin na based na ngayon dito?

Well...

Mula naman sa New York City ay balik-Los Angeles na si KC Concepcion.

Bumalik daw ng LA si KC noong Tuesday.

May place na mine-maintain si KC sa LA kaya mukhang magtatagal pa siya rito. Umaalis man ang panganay na anak ni Sharon Cuneta, pabalik-balik naman siya sa lugar na ito na puwedeng sabihing second home niya.

‘Yun na!

Probinsyano, may concert tour din sa US

Ang dami talagang Pinoy shows ngayon sa Amerika.

Tama ba ang narinig namin na pati si Coco Martin at ang iba niyang mga kasamahan sa magtatapos na action-drama series ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano, ay magsu-show rin sa Amerika by November?

Kahapon habang nasa isang dinner kami ay tinanong kami ng isang kasama namin kung kasama raw ba si Richard Gutierrez sa show na ‘yon ng mga taga-FPJ’s Ang Probinsyano? Pero wala pa kaming naririnig.

Anyway, ang sure, ang ilang shows ni Piolo Pascual with Jericho Rosales sa November. Sabi ng promoter na si Bojie Yangco, sure na raw ang Nov. 4 sa Vancouver, Canada, pati ang Nov. 5 sa Calgary. May Nov. 6 naman sila sa Sacramento at Nov. 12 naman ang Houston, Texas show nila. “Still working on Nov. 11 or 18 sa Las Vegas, Nevada at Nov. 19 sa Los Angeles,” sey ni Bojie.

Nice!

Anyway, sina Kim Chiu at Zanjoe Marudo na nag-show noong Saturday sa Orlando, Florida ay nasa New York City na para mag-join sa Beyond The Stars concert series ng Star Magic.

Sayang nga, Ateng Salve, dahil pauwi na kami ng ‘Pinas kaya ‘yung show nila sa Saban Theater sa lugar na ito on Aug. 14 ay hindi ko na mako-cover.

Anyway, may isang friend kami na nagpadala ng poster ng show ni Ethel Booba sa may Aratani Theater sa may Tokyo Town sa may downtown Los Angeles. Kasama ni Ethel sa show na ‘yon sina Petite, Negi at iba pang mga komedyante.

Bongga!

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with