^

PSN Showbiz

Ruffa, laging alerto sa ginagawa ng anak na si Lorin

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, laging alerto sa ginagawa ng anak na si Lorin
Lorin Gutierrez Bektas

BEVERLY HILLS, CA. – How time flies talaga, Ateng Salve. Aba, parang kailan lang ‘yung Sweet 16 party ni Lorin Gutierrez Bektas, panganay na anak ni Ruffa Gutierrez, na ginanap sa White Space sa Makati City at today nga ay 19 years old na siya.

Tatlong taon na agad ang lumipas na parang hindi natin namamalayan, huh!

Anyway, as you read this, bisperas pa lang ng birthday ni Lorin dito sa Amerika at dahil magkakasama nga kaming tatlo ni Raymond Gutierrez, may advance celebration na kami kasama ang mag-asawang Imee Ong at Richard Maghanoy ng iSkin Med Spa.

Sa isang famous restaurant sa may West Hollywood ang pa-dinner ng mag-asawa para kay Lorin.

Sa mismong birthday kasi ni Lorin ay nagpaalam na siya sa kanyang nanay na may pupuntahan silang fair ng kanyang mga kaibigan.

Yes, everything naman na ginagawa at pinupuntahan ni Lorin, ipinagpapaalam talaga niya kay Ruffa.

Actually, sa tuwing aalis ang dalaga, nagsasabi rin siya sa amin ni Mond. ‘Yon naman kasi ang nakasanayan niya at siyempre, turo rin sa kanya ni Ruffa at ng kanyang lolang si Annabelle Rama.

Anyway, happy, happy birthday, Lorin. Ang saya lang na kasama nga namin siya ni Mond.

Kilalang aktor, yumaman sa pagbebenta ng bahay at lupa

Ang bongga ng isang kilalang aktor dahil bukod sa malaki pa rin ang kita niya sa showbiz, marami pa rin siyang mga business outside showbiz.

‘Yung malawak na lupa niya sa isang kilalang beach sa isang probinsyano, aba, malapit na ring pagkakitaan ni aktor.

May portion daw kasi no’n ang ibinebenta niya at nasa ‘Pinas ngayon ang isang interested buyer na mula sa ibang bansa.

Actually, noong matigil din naman sandali si aktor sa showbiz at nanirahan sa ibang bansa, ang pagbebenta ng mga bahay ang pinagkakitaan niya ng malaki, huh!

Masipag at maabilidad nga kasi si aktor, kaya kumpara sa ibang mga kasabayan niya noon sa showbiz, ang yaman-yaman niyang maituturing.

So bongga!

Miles, sinundan si Elijah sa Baguio

Kauuwi lang pala ni Elijah Canlas mula sa Baguio City kung saan nag-lock in sila ni Aga Muhlach para sa TV5 project nila na Suntok sa Buwan.

Hindi pa raw tapos ang taping no’n at babalik pa raw sina Elijah at Aga ng Baguio City.

Kinumusta ko ang isang taong malapit kay Elijah tungkol sa relasyon ng young actor kay Miles Ocampo at ang alam daw niya ay okey na okey ‘yon.

Sa pagkakaalam din ng taong tinanong ko, dumalaw raw si Miles kay Elijah sa Baguio City. “May post naman yata si Elijah tungkol sa pagdalaw sa kanya ni Miles,” sey pa ng kausap namin.

Mukhang sobrang serious daw ng relasyon nina Elijah at Miles.

‘Yun na!

vuukle comment

LORIN GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with