^

PSN Showbiz

Kim-Xi, may ginagawang Korean adaptation

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim-Xi, may ginagawang Korean adaptation
Kim Chiu at Xian Lim

Kasalukuyang nasa Amerika si Kim Chiu dahil nagtanghal para sa mga kababayang nating nasa Florida. Pagkatapos nito ay magtutuloy na ang aktres para sa Beyond The Stars: The Star Magic U.S. Concert Tour.

Gaganapin ito sa New York sa August 6, San Francisco sa August 12 at Los Angeles naman sa August 14. “It’s been two years nang natigil talaga lahat ng ginagawa namin. Lalo na ‘yung magtungo sa ibang bansa, makita ang madlang people na nasa U.S. I’m so excited to do the show. Sobra akong looking forward na makakita ng Kapamilya natin dyan sa ibang bansa and to entertain them with our song number, dance number and pwede kaming magkwentuhan and all,” pagbabahagi ni Kim.

Para sa aktres ay talagang masarap sa pakiramdam na nakapagpapasaya ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa. “Masarap sa feeling na kilala pala nila ako, umabot ako sa ibang bansa, ‘yung ganoong feeling. And to see them na nakangiti, nakatawa. And ‘yung iba pa diyan ‘yung mga umiiyak kapag nakikita ka. So ‘yon ang nakakatuwang pakiramdam talaga kapag nakikita mo sila sa personal and they are very happy and they are very appreciative,” dagdag ng dalaga.

Samantala, isang reunion movie nina Kim at Xian Lim ang dapat daw na pakaabangan ng kanilang mga tagahanga.

Matatandaang huling nagtambal ang Kim-Xi sa pelikulang All You Need Is Pag-Ibig noong 2015. “Sobrang excited kami ni Xi because it’s been a long time din na last kaming nagkatrabaho at gumawa kami ng pelikula. Kaya I am thankful to Viva Films na binigyan kami ng ganitong movie. It’s a Korean adaptation so looking forward din ako na mapanood ito ng mga sumusuporta sa amin. Kapag napanood nila ‘yung Korean movie na ‘Always’ siyempre bibigyan namin ni Xi ng konting Filipino vibes, Filipino taste. So marami silang dapat abangan. I hope na marami pa rin ang sumusuporta at manonood after all these years,” pagtatapos ng aktres.

Barbie, sinagot ang pagpaparetoke ng ilong at boobs

Mayroong ilang tagahanga ang nagtanong kay Barbie Imperial tungkol sa pagpaparetoke diumano ng  ng ilang bahagi ng katawan ng aktres. Sinagot ng aktres sa pamamagitan ng sariling YouTube channel ang tungkol dito. “’Yung ilong ko, hindi po ako nagpaayos ng ilong. Totoo po ‘yan (ilong). ‘Yung boobs ko naman, hindi ko rin pinaayos ‘to, kasi kung pinaayos ko ito guys, sana pinapantay ko, di ba?” natatawang pagtatapat ni Barbie.

Para sa aktres ay wala namang masama kung gusto ng isang taong magpaayos ng mukha at katawan. Ayon kay Barbie ay suportado niya ang mga nagpaparetoke lalo pa’t ito ang pamamaraan upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili ang isang tao. “First of all, I have nothing against do’n sa mga nagpapa-enhance ng mga katawan nila. Kasi siyempre, gusto nilang maging mas confident eh,” giit ng aktres. Reports from JCC

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with