^

PSN Showbiz

Mag-asawang Anthony at Rossel, babawi sa mga pinagdaanang unos

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang Anthony at Rossel, babawi sa mga pinagdaanang unos
Rossel, Helga, Zoey at Ka Tunying

Matapos ang mga pinagdaanang unos, isang bagong umaga ang naghihintay para sa Taberna Group of Companies nina Anthony at Rossel Taberna.

Kagabi ay ginanap ang pagbabalik at pasalamat ng Taberna Group of Companies na binubuo ng Filipino restaurant na Ka Tun­ying’s, premier events at multimedia company na Outbox Media Powerhouse Corp. at Tune in kay Tunying Youtube Channel sa pamamagitan ng Press Play sa Elements Centris sa Quezon City.

Ito rin ay isang hudyat ng pagbabalik ng in-person events na matagal nang hinihintay ng karamihan.

 Noong 2020, tulad ng ibang kumpanya, sandaling tumigil ang TGC, ngunit hindi ito tuluyang huminto at sa kasagsagan ng pan­demya ay pinilit ng TGC na magpatuloy ang negosyo.

At layunin ng Press Play na ipakita ang pagbabalik ng tatlong ‘brand.’

 Sa kabila ng paghina ng events industry, masasabing matagumpay na nakasabay sa agos ng pagbabago ang Outbox Media sa mga bagong demand tulad ng hybrid events, content creation at digital advertisements.

Kasabay rin nito ang pagdiriwang ng ika-16 na anibersaryo ng kumpanya at ang kaarawan ng Managing Director at Chief Operating Officer nito, ang Queen of Events na si Mrs. Rossel Taberna.

Enggrade rin ang Press Play dahil ito rin ang launching ng Cate­ring by KT, ang bagong catering line ng Ka Tunying’s na nagbibigay ng masasarap na pagkain, mga putaheng mula sa mga paboritong Filipino ‘Panlasang Makabayan’ hanggang sa nakakatakam na international cuisine. Ibinida ng Catering by KT ang kanilang mga pagkain sa inihain nilang plated dinner para sa mga bisita kagabi.

At pagdiriwang ng ikapitong anibersaryo ni Ka Tunying sa susunod na buwan, dala-dala naman nito ang bago nitong misyon na ilapit ang masasarap na baked goods nito sa bawat Pilipino.

Sa nakalipas na dalawang taon, nakipag-partner sila sa malalaking pangalan sa food retail tulad ng All-Day Supermarkets, Divimarts, Puregold, at Ministop convenience store kung saan available na ang breads and pastries nito sa buong Luzon. Successful rin ang iba pang business-to-business accounts ng Ka Tunying’s kasama ang ilang kilalang brands tulad ng Geely, Foton at maging mga ahensya ng gobyerno.

Kasabay rin ng event ang world premiere rin ng jingle at music video ng Tune In Kay Tunying. Espesyal na kinompose at prinoduce ito ng Youtube sensation na si Ben Barubal kasama sina Verse 1 at Evs.

Sa kabila ng pagsara ng kanyang home network na ABS-CBN, patuloy ang naging pag-angat ng pangalan ni Anthony Taberna sa digital world nang simulan niya ang kanyang karera bilang isang Youtuber noong 2020.

Aminado siyang ang digital space ay nagbukas ng mas maraming pagkakataon mag-tune in sa kanya ang mga kumbachero at lalo pang dumami ang kanyang mga tagasubaybay sa Facebook na ngayon ay pumalo na sa 2.2 million followers. Ang kanyang Youtube Channel naman ay may halos 600K subscribers. Ngayong taon, sinimulan niya na rin ang kanyang TikTok account.

At simula rin ngayong araw, Agosto 1, lilipat na ang prog­ramang Dos Por Dos!

Kaya nag-last episode na sila noong Biyernes ng hapon, dahil magiging pang-umaga na sina Ka Tunying at Gerry Baja. Mag-uumpisa na sila ng 6:00 ng umaga hanggang 8:00.

“Pero take note, DZRH pa rin ha? Maiinit na balita at makabuluhang talakayan na may kasamang tawanan para umaga ay maging magaan,” ayon kay Ka Tunying bilang sagot sa intrigang lalayas na sila sa DZRH at lilipat sa network ni Mr. Manny Villar.

Pero ang highlight ng all-in-one event na ito ay ang pasasalamat ng pamilya sa paggaling at tagumpay ng kanilang panganay na anak na si Zoey laban sa cancer. Kinuwento ni Zoey kung paano nalampasan ng pamilya ang isang napakalaking hamon.

Bumuhos ang pagmamahal at supporta mula sa iba’t ibang parte ng mundo para sa kanila.

Bukod sa kanilang suporta, ang matatag na pananampala­taya ng pamilya sa Diyos at walang humpay na panalangin ng marami ang nagbigay kay Zoey at sa buong pamilya ng Taberna ng lakas ng loob na labanan at malampasan ang pagsubok na ito.

December 2019 nang na-diagnosed ng leukemia si Zoey. “Since then, i have been undergoing chemotherapy. everything was going on smoothly, and complications were very minimal. my hair had grown a lot and i was getting back to feeling normal, as i could do a lot more things than i could when i was weaker. But my situation changed when december 2021 came. During this time, I would not feel well often and several parts of my body were hurt. When they brought me to the hospital, they did tests and said that i had problems with my blood sugar because it was way higher than it was supposed to be.

“Some doctors said it was caused by my steroid medications, and by over consumption of sugar. But as they looked into it more, after getting the results of my bone marrow aspiration, we found out that my acute lymphoblastic leukemia had morphed into acute myeloid leukemia. And this meant that all of the cancer cells that was supposed to be long gone, came back in a way more dangerous and fatal form. I had a hard time understanding why this was happening because from the start, my doctors said that this situation was very rare. I was supposed to repeat all my chemotherapy again in the philippines, but of course, my parents wanted the better option, so that we could be sure that i will be fully healed. My doctors recommended for us to go to Singapore because medical care is really good there. So my parents did their best to find a way for us to get there, even during the pandemic. Luckily, we were given permission to go. All of this happened in a span of just 2 weeks so i really still couldn’t process everything in my mind. i didn’t want to leave home, especially because my family and friends were there, and we had to be away for around 6 months,” pagbabalik-tanaw ni Zoey.

At ang sumunod doon na pangyayari ay history na. Cancer-free na ngayon si Zoey.

 

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with