^

PSN Showbiz

DonBelle, may hih finale concert

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
DonBelle, may hih finale concert
Donny at Belle
STAR/ File

Laging trending ang tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Ang lakas ng loveteam nila.

Ito ay dahil ina­abangan na ang finale episode sa iWantTFC sa Wednesday, Aug. 3, ng He’s Into Her Season 2.

Matapos ang nag-uumapaw na kilig linggo-linggo bilang ang most streamed original series sa iWantTFC at most watched weekend program sa Kapamilya Online Live, inaabangan na ng fans kung ano ang magiging ending ng love story nina Deib at Max.

At ngayon naman ay pinaghahandaan na ng serye ang inaabangang HIH: All-Access finale concert sa Agosto 27 sa Araneta Coliseum, kung saan sold out agad ang VVIP at VIP tickets wala pang isang oras mula nang inilabas ito.

Sa kasalukuyang takbo ng kwento sa serye, simula nang mag-cool off sina Max at Deib ay dumagdag ang komplikasyon sa kani-kanilang buhay. Bagama’t napatunayan na nilang hindi si Boyet (Janus del Prado) ang suspek sa pagkakabaril sa kapatid ni Deib na si Dale (Turs Daza) ay minabuti ng dalawa na hindi muna magkabalikan.

Mapapanood nang libre ang finale ng He’s Into Her season 2 sa Agosto 3 (Miyerkules) ng 8 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

vuukle comment

BELLE MARIANO

DONNY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with