^

PSN Showbiz

Liza, papasukin ang pagbebentan ng mga pelikula sa ibang bansa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Liza, papasukin ang pagbebentan ng mga pelikula sa ibang bansa!
Liza
STAR/ File

Papasukin ni Liza Diño-Seguerra ang sales and marketing ng local films ngayong wala na siya sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Nandiyan pa rin daw ang pagnanais niyang makatulong sa movie industry dahil sa loob ng anim na taon nang panunungkulan niya sa FDCP, marami na siyang nakilala sa ibang bansa na distributors, film producers na makakatulong sa global marketing ng mga pelikula natin. “Nakita ko ang mga kailangan pang gawin no? On how do we really continue ‘yung pagsuporta sa mga filmmaker natin, na lumaki ‘yung market. Kasi struggling talaga tayo ngayon locally e,” pakli ni Liza nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes.

Nakikita naman daw sa mga sinehan natin nga­yon na pawang Hollywood films ang pinapalabas dahil ‘yun ang tinatangkilik ng mga kababayan natin. “Hindi na talaga natin puwedeng mag-rely lang sa kung ano ‘yung mabibigay ng local audiences natin kasi unfortunately, ang local audience natin ngayon, ang sinusuportahan lang, Hollywood. ‘Yun ‘yung kailangang... hindi natin puwedeng talikuran ‘yung katotohanan na ‘yun e ‘di ba?

“In order for you to come up with solution, you need to recognize the problem, and that’s the problem, ‘di ba? Kung ang problema natin ‘yung locally audiences natin nanonood ng Hollywood, paano mo sila maibabalik sa sinehan, at paano mo sila maku-convince na manood ng Filipino films. And there’s no way to go, but to really improve, expand, elevate ‘yung klase ng pelikula at makipagsabayan talaga tayo sa mga klase ng pelikulang pinapanood nila.

“On my end, I wanna be part of that movement ‘di ba? Gusto kong makilahok ngayon sa mga gustong tumulong na gumawa ng mga ganitong klaseng pelikula. And at the same time, ang pinakatalagang isa sa mga siguro I would say na pinag-aaralan ko na ngayon is the sales part.

“Pagbebenta ng mga pelikula natin, pagri-represent ng pelikula natin. Hindi lang sa international film market, pero sa mga streamer, sa mga Netflix, ‘yung pumapasok sa ating mga international streamer. Paano ka makikipag-usap diyan? Anong klaseng conversation dapat ‘yung meron. Paano mo bina-value ‘yung pelikula natin? Lahat napaka-technical kasi nun e. Pero may experience na kasi ako dun,” saad ni Madam Liza.

Kaya balak niyang magtayo ng sariling kum­panya, na mag-specialize sa pagma-market ng mga pelikula natin sa buong mundo.

Hindi naman daw maitatangging lahat ng mga A list film festivals ay meron talagang partisipasyon ang Pilipinas. Kaya nakikilala na ito at maraming producers ang interesado sa mga pelikulang atin.

“Right now, ang dami ko nang nakakausap na mga producer, ‘yung lacking representation nila sa mga international, sa sales, kung paano mabebenta yung pelikula. Kasi ‘yun na nga, gumawa na sila ng de kalidad na pelikula, gumastos sila ng 30M. Pero pagdating sa conversation, hindi nila maibenta. Kasi nga, ibang klaseng skills ang sales and distribution. So, ‘yun yung gusto ko talagang pasukan para ma-represent ko ang mga pelikula natin.

“So, I wanna take it in a more Southeast Asia region ano approach. ‘Yung parang iaangat natin ‘yung regionality ng mga pelikula natin,” paliwanag pa ni Madam Liza Diño-Seguerra.

Elle, mas gustong tularan sina Solenn at Marian

Sa Lunes, Aug. 1 na magsisimula ang bagong love story na afternoon drama ang Return to Paradise, tampok sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Nilinaw sa aming hindi naman daw talaga ganun ka-sexy ang Return to Paradise kahit parang ang sexy ng promo nito na mala-Blue Lagoon.

Pero talagang lumalabas ang kaseksihan dito ni Elle at Derrick, kaya posibleng alukin si Elle ng projects na gagamitin ang kaseksihan niya.

Sa totoo lang, sinabi naman ni Elle na nung una ay hindi siya kumportableng i-tag siyang sexy actress. Pero kung diyan daw siya malilinya, okay na rin daw gagalingan na lang niya ang pag-arte.

“To be honest po kasi, at first I was…I didn’t like to be ‘yung parang pa-sexy actress. But then, whatever opportunities come, tanggap ko naman. And I’m very open with other role. And ‘yung about sa movie po, ‘yung to show pa more skin, siguro po may limitations and that depends on the project itself, and the director.”

Kung siya ang masusunod, gusto raw sana niya ‘yung tipong maka-Solenn Heussaff na pagpapa-sexy at gusto raw niya talagang tahakin ang career path na kagaya ng kay Marian Rivera.

vuukle comment

LIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with