^

PSN Showbiz

Xian, pinagpaplanuhang idirek si Kim!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Xian, pinagpaplanuhang idirek si Kim!
Kim Chiu at Xian Lim

Bukod sa pagiging aktor ay naranasan na rin ni Xian Lim makagawa ng pelikula bilang isang direktor. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong makapagdirek ng isang proyektong pabibidahan ng kasintahang si Kim Chiu. Para kay Xian ay maganda kung magkakatambal silang muli ng aktres sa isang pelikulang romantic-comedy ang tema. “Maybe we will stick to the core that we always do rom-com. We met each other there. We fell in love there, too,” bungad ni Xian.

Sa konseptong naiisip ng aktor para sa bagong pelikula ay posibleng sa ibang bansa pa raw ito kunan. Ayon kay Xian ay napag-uusapan na rin nila ni Kim ang tungkol sa posibleng maging reunion movie nilang magkasintahan. “Sa rom-com marami kang mahuhugot na emotions. When we tell stories, marami nang narinig na love stories sa akin si Kim. Maybe a project out of the country with both of us in it. Pinag-uusapan na namin ‘yon,” kwento ng binata.

Naranasan na rin ni Xian na makapagsulat ng istorya para sa pelikula. Malaki ang pasasalamat ng binata kay Kim dahil suportado ng aktres ang lahat ng kanyang ginagawa bilang isang direktor, aktor at manunulat. “She’s very supportive of all the projects that I do. Masaya siya sa lahat ng ginagawa kong trabaho,” pagtatapos ng aktor.

Ryan, nangangarap magkaroon ng sariling hotel

Mag-isang naninirahan sa Pilipinas si Ryan Bang. Sa Korea nakabase ang mga magulang ng aktor. Matatandaang naibahagi ng binata noon sa publiko na magkahiwalay na rin ang kanyang ina at ama. Bukod sa pag-aartista ay mayroon na ring restaurant business na pinagkakaabalahan si Ryan sa Pilipinas. Ngayon ay nangangarap naman ang aktor na magkaroon ng sariling hotel. “Kasi noong bata po ako ang tapat ng bahay ko ay may malaking hotel. Classmate ko ‘yung anak ng may-ari no’n. ‘Yan ang inspiration ko, gusto ko. Ang pamilya ko ay gusto ko parang maging pamilya nila,” makahulugang pahayag ni Ryan.

Sinang-ayunan naman ng kaibigan na si Vice Ganda ang pinapangarap ng aktor. Para sa komed­yante ay kinakailangang pinaplano nang maayos ang lahat ng gustong makamit ng isang tao sa buhay. “Dapat talaga nagpaplano tayo. Kung mangangarap na lang din tayo dapat lakihan na natin. Lalo na kung magdarasal tayo kay Lord, hindi ba? Lakihan na natin. Baka sabihin ni Lord, bakit tinitipid mo ang pagdarasal. Basta dapat sincere. Mina-manifest ‘yan. Kaya i-manifest lang ang pinakahiling ng inyong mga puso,” dagdag ni Vice.  (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with