^

PSN Showbiz

Heaven, pinag-isipan munang mabuti bago napapayag maging sugar baby!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heaven, pinag-isipan munang mabuti bago napapayag maging sugar baby!
Ian, Heaven at Mon.

Sugar baby na si Heaven Peralejo.

Yes, isa na siyang certified sugar baby ni Ian Veneracion.

Pero hindi sa totoong buhay, sa pelikula lang na Nanahimik ang Gabi, isa sa official entries sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2022.

Hindi naging mabilis ang desisyon ni Heaven na tanggapin ito.

Ilang beses muna itong tinanggihan ng young actress bago pumayag sa gagampanang papel.

Siya si Me-ann sa pelikula na sugar baby ng abusadong police chief na ginagampanan ni Ian.

Nagandahan siya sa script kaya’t nakumbinsi siyang tanggapin.

Aniya, may mga eksenang pakiramdam niya ay hindi pa siya handang gawin kaya tinanggihan niya nung umpisa.

Naayos at napag-usapan. Nagkaroon ng compromise.

Pero aminado siyang nahirapan siya sa pagi­ging sugar baby dahil wala siyang kaibigan o kakilalang ganito sa totoong buhay.

“Actually kaya nga ‘ko nahirapan sa cha­racter na ‘to kasi wala akong pinaghuhugutan, wala akong paggagayahan kumbaga. So talagang krineate ko tong si Me-ann with the help of my directors also, kung paano namin bubuhayin itong character na ito at bigyan ng justice itong Nanahimik ang Gabi,” pahayag ni Heaven nang makasingit kami ng interview habang nagso-shooting sila sa Tagaytay.

Kaya sinubakan niyang ilapit ang sarili kay Me-ann. “Kasi ‘yung script namin, maganda. Maiintindihan mo agad ‘yung kung ano ang personalities nila, kung paano magsalita,” pag-amin niya sa ginawang atake sa kanyang karakter.

At kung walang kaibigan o kakilala si Heaven tulad sa ginagampanan niyang papel, familiar naman si Ian sa mga sugar daddy. “Ako meron akong isang story. A good friend of mine, meron siyang girlfriend tapos nasa condo lagi pinupuntahan niya tapos sabi sa kanya ng girlfriend niya ‘basta wag mo ‘ko puntahan ‘pag weekend kasi ‘yung family ko, ‘yung parents ko dumarating ‘pag weekend’, so eventually nagtataka siya ‘di naman nagtatrabaho ‘to bakit ganon. Tapos ang ganda ng condo ganyan-ganyan. ‘Yun eventually na-realize niya may sponky, may sponsor si ate girl.

“So ‘yun may mga kaibigan ako na ganon, on the other side naman na nag-aalaga. You know we see it everywhere naman. Lahat tayo I’m sure may – itatago man sa atin may mga kilala tayong ganoon. What if your children or the people you care about, gusto mo bang ganon? Either maging sponky lang sila or maging sponsored lang sila. Okay lang ba sa atin ‘yun? So ‘yun there are many many layers na ang hirap i-compile sa isang istorya pero nagawa ni Direk (Shugo Praico) ‘yun sobrang sulit sa amin pagtrabahuhan talaga,” mahabang kuwento ni Ian sa aming interview.

Maging si Mon Confiado na malaki ang papel sa pelikulang ito na produced ng Rein Entertainment  nina former Taguig Mayor Lino Cayetano, Direk Philip King and Charm Guzman ay familiar  sa mga sugar daddy : “Ako rin oo, marami akong kilalang ganyan syempre. Sa age kong ito kumbaga ang dami ko nang na-encounter na mga tao. May mga kakilala rin akong sugar daddies at sugar babies. Kasi ‘yung comedy bar namin dati may bikini open contest kami doon eh. Market ng araw ‘yun, mga sponsor so alam ko itong kwentong ito. Yes, it’s real,” na ang tinutukoy ni Mon ay ang pag-aari niyang comedy bar sa may Marikina.

Wala namang naging ibang choice ang Rein Entertainment na gumanap sa sugar baby role. “Puwede namang kumuha ng artista na 20-year old na sikat, established, may telenovela, pero si Heaven had an innocence and then ano siya ‘breath of fresh air.’ Masaya, light. Kailangan natin ‘yung innocence para sa role,” sabi ni Direk Lino na hands-on sa shooting ng Nanahimik ang Gabi na halos nasa kalahatian na.

Naka-lock in sila sa isang mansion sa Tagaytay at gabi nang makausap namin nila. Creepy ang lugar na bagay na bagay sa pelikulang isang suspense thriller.

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with