^

PSN Showbiz

Regine, magiging regular na kina Melai at Jolina

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Regine, magiging regular na kina Melai at Jolina
Regine Velasquez.

Nag-goodbye na si Judy Ann Santos sa pagiging guest co-host nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa Magandang Buhay, ang morning talk show ng ABS-CBN.

Noong Monday ay napanood na uli si Regine Velasquez-Alcasid sa nasabing show, kaya marami ang nag-akalang nakauwi na ng ‘Pinas ang Asia’s Songbird mula sa US concert tour nila ni Sharon Cuneta.

Replay po ang Magandang Buhay simula noong Monday at magla-live uli sila starting August 8 (hanggang August 12 daw ay live ang shows at may mga taping din sila) at mukhang magiging permanent host na nga ng show ang misis ni Ogie Alcasid, huh!

Eh, swak na swak din kasi si Regine sa show.

Actually, bukas pa ang dating sa bansa ni Regine and as you read this, paalis pa lang siya ng Amerika.

Nang tanungin namin ang sister cum manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra, ang unang trabaho raw ng kanyang ate ay ASAP Natin ‘To.

Sabi ng isang taga-ASAP Natin ‘To na tinanong ko, live raw sila sa Sunday.

Samantala, nang maka-text namin si Ogie, ang sabi niya, excited na siya sa pagdating ng misis na sobrang miss na raw niya.

How sweet! At least, magkikita na uli sila bukas dahil kahit naman si Regine ay sinasabing sobrang miss na niya ang mister at ang anak na si Nate, huh!

Easter Sunday ni Jokoy showing na sa Amerika

May screening noong Tuesday (kahapon ng umaga sa ‘Pinas) ang Easter Sunday movie ni Jokoy at ginanap ‘yon sa Los Angeles, California.

Isa sa mga um-attend doon ay si Arnel Pineda.

Sabi ni Yul Session nakasama ni Arnel na nanood ng pelikula ni Jokoy, invited daw mismo ng comedian ang singer kaya sila nagpunta roon.

At yes ang sagot ni Yul nang tanungin namin kung nagustuhan ni Arnel ang pelikula ni Jokoy.

In fairness, Ateng Salve, ang dami naming kilala na gustong manood ng Easter Sunday na showing na sa Amerika on August 5.

Bongga!

Cristine, ramdam na ramdam ang pagyanig

Isa ang Maid in Malacañang cast member na si Cristine Reyes sa nag-share sa kanyang social media accounts ng tungkol sa earthquake kahapon.

Nakunan ni Cristine ang pagyanig at ang pinto ng kanyang kuwarto ay panay ang galaw.

Naku, Ateng Salve, ipagdasal natin ang mga naapektuhan ng nasabing earthquake lalo na ‘yung mga taga-Abra at Ilocos.

 

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with