^

PSN Showbiz

Kahit inintrigang ‘di makakaalis Vina, ratsada sa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kahit inintrigang �di makakaalis Vina, ratsada sa Amerika
Vina

BEVERLY HILLS, CA. -- In fairness, Ateng Salve, kahit sabihin pang ratsada sa Amerika ang It’s Showtime dahil talaga namang namamayagpag pa rin ang TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN, hindi naman maikakailang paborito rin ng mga Pinoy sa bansa ni Uncle Sam ang Eat Bulaga ng TAPE, Inc. na napapanood sa GMA-7 (na may GMA PinoyTV around the world).

Kaya naman sa December ay iikot para sa kanilang US concert tour sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Naka-chikahan ko nga ang concert promoter na si Bojie Yangco at naikuwento niya sa akin ang tungkol sa US tour nina Jose at Wally.

Soon daw ay ia-announce niya kung ilang cities sa Amerika mapapanood ang comedy tandem ng Eat Bulaga.

 Samantala, ang grupo ni Bojie ang promoter din ng pagsasama­hang US and Canada tour nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Yes, may Vancouver at Calgary rin daw ang concert tour na ‘yon ng dalawang Kapamilya actors.

Bongga si Piolo, Ateng Salve, dahil katatapos lang niya ng four shows dito sa Amerika with Sam Milby, at may isang beauty pageant pa raw na iho-host, pero may ilang shows pang gagawin with Jericho.

At ‘yung Flower of Evil din niya with Lovi Poe ay talaga namang pinapanood din dito sa Amerika, huh!

Ratsada rin nga­yon dito sa Amerika si Vina Morales  dahil nakailang shows na siya.

Galing na siya sa Georgia, sa Alabama, sa South Carolina at Florida.

Bale 12 solo shows ‘yung nakita ko sa listahan na pinadala niya sa akin sa pamamagitan ng Viber app at may tatlo pa siya na kasama naman niya si Jim Brickman.

Sabi ni Vina sa chat namin, nakaka-miss daw ang mag-show abroad dahil ngayon lang daw siya nakapag-travel uli.

Medyo stressful nga lang dahil sabi niya, “There were delays (sa pagkuha nila ng working visa). Pero thank you, Lord, umabot on time for the show.”

May iba nga na nag-isip na hindi makakaalis si Vina, pero sobrang saya siya nang finally ay nahawakan na niya ang kanyang passport na may working visa na nga.

Naikuwento niya rin na noong 2019 ay nanggaling siya ng Amerika for a series of shows hanggang nagkaroon nga ng COVID-19 pandemic.

Naku, sana nga ay makapag-cover ako kahit isang show ni Vina lalo na at pabalik na rin ako ng ‘Pinas.

Anyway, isa si Vina sa mga artistang kapag minessage ko ay kaagad sumasagot.

‘Yun na!

vuukle comment

TFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with