^

PSN Showbiz

Regine, madalas pa ring sumpungin ng migraine

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Regine, madalas pa ring sumpungin ng migraine
Regine at Sharon.

Beverly Hills CA. – Nagpunta si Sharon Cuneta at ang mga kasamahan niya sa Iconic US Tour nila sa iconic Japanese restaurant sa Hollywood.

Hindi namin nakita sa mga picture na shinare sa social media ng friend naming si Ms. Vina Verastigue si Regine Velasquez-Alcasid.

Hindi ba nakasama ang misis ni Ogie Alcasid sa dinner na ‘yon?

“Hindi. May migraine raw,” sabi ni Ate Vina.

Actually, noon pa naman ay madalas na talagang sinusumpong si Regine ng migraine at hirap talaga siya, kaya malamang na hindi na nga siya sumama sa dinner na ‘yon.

Anyway, sa pakikipagkuwentuhan namin kay Ate Vina, bilib na bilib siya sa ugali ng Megastar. Napakabait daw kasi ni Sharon. Sobrang ma-PR at walang pinipili at basta nakipagkuwentuhan sa kanya ay magiliw siyang nakikipagtsikahan, huh!

Very Megastar talaga. Kahit naman ang entertainment press, ganoon palagi ang sinasabi kay Sharon. Sobrang napupuri ang kabaitan at pagiging ma-PR niya!

Napakalambing nga raw ni Sharon (pati na rin si Regine nang makasama rin siya ni Ate Vina), kaya hindi raw nakakapagtaka na successful ang mga show nila sa Amerika.

Ruffa, nabibilisan sa paglaki ni Lorin

How time flies talaga, Ateng Salve. Alam mo ba, kahit si Ruffa Gutierrez ay nagsabing ang bilis ng paglipas ng mga araw.

Nang katsikahan nga namin siya kahapon, ang anak na si Lorin ang topic namin.

Parang kailan lang daw na nag-debut si Lorin at sa Aug. 3 ay 19 years old na ang kanyang panganay.

Kundi nga lang busy rin si Ruffa ngayon sa promotions ng Maid in Malacañang ng Viva Films ay baka bisitahin niya si Lorin sa Los Angeles, California.

Anyway, ang showing ng Maid in Malacañang ay sa Aug. 3 na birthday mismo ni Lorin, huh!

‘Yun na!

Gary, plantsado na ang tour sa Amerika

Sa inilabas na listahan ni Ms. Anna Puno ng Starmedia Entertainment para sa Gary V: Reenergized US Tour Live! ay obvious na walang Las Vegas, Nevada.

Simula Sept. 30 (Seattle, Washington) hanggang Oct. 23 (The Town Hall, New York) ang shows ni Gary Valenciano sa Amerika.

Kaya walang Las Vegas ay magkakaroon ng ASAP Natin ‘To doon.

Pinaghahandaan na nga ng ABS-CBN ang nasabing event. In fairness, ngayon pa lang ay maingay na ang show na ‘yon na mapupuno raw ng Kapamilya stars and singers.

Bongga!

Bukod sa Sept. 30 at Oct. 23 shows ni Gary, may Oct. 1, Oct. 8, Oct. 9, Oct. 15 at Oct. 21 shows din ang mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano.

Bukod sa Gary V. shows niya, pinaghahandaan din ni Anna ang US concert tour ni Jose Mari Chan with the CompanY (capital Y raw talaga).

Malakas pa rin talaga ang TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN sa abroad, lalo na sa Amerika, kaya hindi nakakapagtaka na marami ang interesado sa shows abroad ng Kapamilya stars and singers.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with