^

PSN Showbiz

Gina, malaki ang namana sa namayapang ex na doktora!

BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Hindi dahil sinabi ni Gina Pareño na siya ay LGBTQ member, ibig sabihin ay lesbian na siya. Hindi kami maniniwala riyan dahil siguro kung may naiiwan pa sa showbiz na nakakakilala nang personal kay Gina simula noon, isa na kami roon.

Naging kaibigan namin siya at kahit noon wala siyang inilihim sa love affairs niya, at alam namin ang mga iyon. Noon nga lang hindi naging ugali na ang mga bagay na personal ay inilalantad pa sa publiko.

Nasaksihan namin kung gaano kataas ang popularidad niya noon. Nag-asawa, hindi nagpakasal, natigil, at medyo umiwas muna sa showbiz.

Muli, parang nag-reconnect siya sa amin nang muli siyang gumawa ng pelikula. Nakasama siya sa Bukas Luluhod ang mga Tala ni Sharon Cuneta, at isa sa mga bida sa Working Girls.

Simula noon nagkasunud-sunod na ang labas niya hindi lang sa pelikula kundi sa telebisyon din.

Iyan namang si Dra. Bong Erana, nakilala namin siya dahil kay Boss Mina Aragon na kaibigan din niya. In fact isa siya sa nag-finance noong pelikulang Rosenda. Kaibigan din niya ang isa pa naming kaibigan noon, si Odette Teodoro.

Si Dra. Bong ay isang sikat na dentista noon na naka-base sa Makati Medical Center. Maganda rin ang buhay ni Dra. Bong.

Ang kuwento niya sa amin, bagama’t naka­gawa na nga siya ng pelikula noong 10 taong gulang pa lamang siya, nagsimula talagang tumaas ang kanyang career noong pagtambalin sila ni Manding Claro sa LVN.

May kuwento siya noon na bukod sa pagiging artista, pinag-aral siya ni Dona Sisang hanggang sa maging dentist nga.

May kuwento pa siyang pinamanahan din siya ni Dona Sisang noong pumanaw iyon. Mahilig si Dra. Bong sa mga antique. Puro antigong gamit ang makikita mo sa tahanan niya na napuntahan na rin namin noon.

Noong medyo nag-down ulit si Gina sa kanyang career, doon sila nagkita ulit ni Dra. Bong at tinulungan nga siya.

Naging maganda naman ang kanilang samahan at umayos ang buhay ni Gina.

Noong mawala si Dra. Bong, dahil wala rin namang immediate family, naging heir nga niya si Gina.

Aminado si Gina, nagmahalan naman silang dalawa, at iyon ang dahilan ng kanilang pagsasama, hindi sa ano pa man.

Kung kami ang magkukuwento ng mga nalalaman namin tungkol kay Geraldine Acthley (tunay na pangalan ni Gina), naku napakahabang kuwentuhan iyan.

LizQuen, hiwalay na

Sa statement na binitiwan ni Enrique Gil, mukha ngang sa ngayon ay wala na munang maaasahang LizQuen project.

Kasi nga Hollywood na ang ambisyon ni Liza Soberano, at sa tingin naman namin makabubuti iyan sa career ni Quen dahil makakatayo na siya sa sarili niyang paa, hindi iyong sinasabing naka­sabit lang siya kay Liza.

Ang totoo, malakas din naman ang following ni Enrique.

Kaya lang aywan nga ba kung bakit ang trabaho niya noon ay laging nakadepende kay Liza.

Noong hindi makatrabaho ang kanyang girlfriend dahil nagpapagamot ng injured finger, hindi rin siya gumawa ng kahit na ano.

Ngayong hindi na niya kailangang hintayin si Liza, baka nga mas maging ok pa sa kanya.

vuukle comment

GINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with