^

PSN Showbiz

Moira dela Torre sa pumanaw na driver: ‘Hindi ko alam paano magpaalam’

Philstar.com
Moira dela Torre sa pumanaw na driver: �Hindi ko alam paano magpaalam�
Kuha kay Moira dela Torre (kanan) at yumao niyang driver na si Kuya Baj (kaliwa)
Video grab mula sa Instagram account ni Moira dela Torre

MANILA, Philippines — Nagdadalamhati ngayon ang singer-songwriter na si Moira dela Torre sa pagpanaw ng kanyang personal driver at matalik na kaibigan na si Kuya Baj. 

Sa latest Instagram (IG) post ng 28-year-old na mang-aawit, ibinahagi niyang nami-miss na niya ang dating driver: mula sa kulitan hanggang maging sa seryosong usapan.

“Kuya Baj, salamat po sa lahat. Hindi ka lang naging mabuti na driver sa'kin, kundi mabuting kaibigan na rin. Lahat ng kaibigan ko at mahal ko sa buhay, mula banda hanggang kamag-anak, minahal mo rin,” ani Moira sa kanyang IG caption, Lunes. 

“Hindi ko pa rin alam kung paano magpaalam sa isang katulad mo, Kuya Baj. Kaya magpapasalamat na lang ako sa'yo... sa pagtahan sa'kin sa mga araw na mag-isa ako at sa pag-patawa sa amin sa bawat pagkakataong mahanap mo.” 

"Salamat sa pag-intindi, kuya, at sa pagbigay sa akin ng pamilya nung mga araw na pakiramdam ko mag-isa ako. Mami-miss ko tawa mo, Kuya Baj. Pati 'yung mga advice mo na minsan maka-Diyos, minsan bastos, pahinga ka na, kuya. Mahal na mahal ka namin. Miss ko na tawa mo. Salamat sa lahat. Love you, Kuya Baj,” dagdag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Inulan ng pakikiramay ang naturang post ng malalapit na kaibigan, katrabaho sa showbiz at mga fans ng singer. 

Tatlong taon na ang nakalilipas nang ibinunyag ng singer-songwriter ang tungkol sa kanyang mental health issues na kanyang ibinahagi sa kanyang 3.9 million Instagram followers.

Kamakailan umugong ang hiwalayan nila ng kanyang asawang si Jason Marvin Hernandez. Ikinasal sila noong January 2019 at naghiwalay matapos ang tatlong taong pagsasama. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

DEATH

DRIVER

MOIRA DELA TORRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with