^

PSN Showbiz

Christopher de Leon, napisil na director general ng FAP!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Christopher de Leon, napisil na director general ng FAP!
Christopher de Leon.

Pagkatapos ng appointment kina Tirso Cruz III bilang bagong FDCP Chairman at Lala Sotto-Antonio bilang MTRCB Chairperson, napapag-usapang baka si Christopher de Leon ang itatalagang Director Gene­ral ng Film Academy of the Philippines.

Pero may ilan kaming napagtanu­ngang, wala pa raw napili.

Tinanong ko rin si Boyet kung handa ba siya sa bagong responsibilidad na ito.

Ang sabi niya, wala pa naman daw nangyayari ngayon sa FAP dahil hindi pa normal ang pagpapalabas ng mga pelikulang lokal sa mga sinehan.

Bukod pa riyan, wala pa talagang budget ang naturang academy, kaya naka-standby pa ang lahat. “Wait tayo until this pestilence is over,” bahagi ng text sa akin ni Boyet.

Kaya kawawa talaga ang movie industry, na sabi nga ni direk Joel Lamangan, it is no longer an industry, dahil hindi naman kumikita.

Pero sabi ni Boyet; “Kailangan mayroon tayong gawin.”

Maganda rin itong ipinanukalang batas ni Sen. Bong Revilla sa Senado na pagbibigay ng incentives sa mga movie producer natin, pero hindi pa nga ito sapat dahil mahal pa rin ang presyo ng ticket sa sinehan.

Kaya sana gawin daw ng gobyerno natin ang ginagawa sa South Korea at India na sinagot na binababaan ang presyo ng ticket sa sinehan.

Sana ganun daw ka-supportive ang bagong administrasyon natin sa entertainment industry na mukhang malapit naman sa showbiz si Pres. Bongbong Marcos, lalo na si Sen. Imee Marcos.

Singer at hunk actor, sa text naglalandian!

Hindi talaga maiwasang nagkakainlaban ang mga magkakatrabaho dahil sa kayo ang laging magkasama.

Napansin ito sa dalawang TV celebrity sa isang weekly show na magkasamang nagpapatawa.

Promising itong si moreno at hunk actor na regular na sa programang ito, at ang magaling na female singer ay madalas na guest nila.

Nakakatsikahan na ni female singer ang halos lahat na mainstay sa programang iyun pati ang production staff, dahil matsika naman siya.

Kaya hindi namamalisyahan kung katsika rin niya si morenong hunk actor.

Pero iilan lang ang nakapansin na sa loob ng set kapag nagti-taping sila, nagkaka-text itong si morenong aktor at ang magaling na female singer. Hindi sila nag-uusap kundi sa text na nila idinadaan ang kanilang tsikahan.

Sa tingin naman ng ilang nakaka-observe ay hindi pa nagkakaligawan, kundi nagkukuwentuhan lang na may pa-cute siguro.

Posibleng iba itong sa kanilang dalawa kung ikumpara sa ibang katsikahan nila. Mas may ma­lisya raw ito at malay natin baka magkadebelopan.

Ang laki nang iginanda ni female singer, na malayo sa itsura niya nung nagsisimula pa lamang siya. Mukhang bagay naman sila ni morenong hunk actor.

Ian at Heaven, grabe ang stunts sa kanilang MMFF movie

Magsisimula nang mag-shoot ang buong team ng pelikulang Nanahimik ang Gabi na prinodyus ng Rein Entertainment nina direk Lino Cayetano.

Sa Tagaytay kukunan ang halos kabuuan ng pelikula, at sobrang excited si direk Lino dahil nakikita raw niyang cooperative ng main cast nito na sina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado.

Ilang araw silang nag-workshop at nai-share nga sa Tiktok ang mga stunts nila. At napaka-flexible ng katawan ni Heaven sa ilang stunts.

Kakaibang suspense-romance itong pelikula na ididirek nina Shugo Praico at Philip King.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with