^

PSN Showbiz

Charlie, sabik makapasyal sa New York

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Charlie, sabik makapasyal sa New York
Charlie Dizon.

Kasama si Charlie Dizon sa listahan ng Star Magic ar­tists na patungong Amerika para sa Beyond the Stars: Star Magic US Tour.

Gaganapin ito bilang pagdiriwang ng ika-tatlumpung ani­bersaryo ng Star Magic. Magtatanghal ang buong grupo sa New York City sa Aug. 6, San Francisco sa Aug. 12 at sa Los Angeles naman sa Aug. 14.

Sobrang excited na raw ngayon ni Charlie na makapunta sa New York dahil hindi pa siya nakararating dito. “Super excited ako sa New York kasi last March nag-visit ako sa San Francisco and LA So New York ‘yung hindi ko pa napupuntahan so very excited akong makita ‘yung Times Square and ‘yung Empire State Building, ‘yung Iron Building, ganyan. Gusto ko lang din makita and makapag-picture kami. At saka ‘yung mga museum do’n,” pagbabahagi ni Charlie.

Maraming mga tagahanga umano ang nakilala ng aktres sa Amerika kamakailan. “May area kasi do’n ‘yung Seafood City na ang daming Filipino tapos ‘yung mga stores nila do’n, ‘yung mga salon may TV sila. Nanonood talaga sila ng TFC. Kaya kapag nakikita nila ako, nagha-hi talaga sila. Tapos nagsasabi sila na manonood sila ng mga shows natin. Kaya excited din sila na malaman na magkakaroon tayo ng US trip para sa Star Magic celebrations,” kwento ng dalaga.

Pagkatapos magbida sa teleser­yeng Viral Scandal ay isang bagong pelikula naman daw ang pinaghahandaan ni Charlie ngayon. “May upcoming movie ako. Isu-shoot ko pa lang sa August after ng US tour namin. So sana abangan n’yo,” pagtatapos ng aktres.

Chie, naranasang mag-water diet

Isa si Chie Filomeno sa mga bida ng Beach Bros na mapapanood sa iWantTFC. Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng netizens ang kanyang pagpapaseksi sa natu­rang iWant original series. “May investment ‘yung pagsusuot ko ng swimsuit. Kasi I love my body and I want to empower women also with the same body type. Kasi ang daming payatin din sa atin, flat-ches­ted. Gusto ko lang sabihin sa kanila na wear whatever you want. Ikaw ang bumili niyan, nag-workout ka, pinaghirapan mo ‘yan. Ipakita mo ang gusto mong ipakita. No judging. Kahit anong suotin ko diyan, may sasabihin at sasabihin ang tao eh,” paglalahad ni Chie.

Para sa sexy actress ay hindi rin madali ang kanyang mga pinagdaanan upang magkaroon ng magandang hubog ng katawan. “Dumaan ako sa tubig lang ‘yung iniinom ko. ‘Yung mga diet na hindi naman nagwo-work sa akin. Ang daming diet diyan, ang nag-work sa akin ‘yung kailangan talaga ‘yung masipag. Hindi naman ako gumising na ganito na ‘yung katawan ko. Talagang we work hard for it. Kakain tapos magwo-workout, tapos kakain. Workout talaga and sumasayaw din,” pagbabahagi niya.  (Reports from JCC)

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with