^

PSN Showbiz

'Pwede ako ututan sa mukha': Andrea Brillantes aminadong walang pang-amoy

James Relativo - Philstar.com
'Pwede ako ututan sa mukha': Andrea Brillantes aminadong walang pang-amoy
Kuha ng artistang si Andrea Brillantes habang ini-interview ng broadcast journalist na si Karen Davila
Video grab mula sa Youtube channel ni Karen Davila

MANILA, Philippines — Kung ang ibang tao'y meron diumanong "sixth sense," kulang naman ng isa ang sikat na teenage actress na si Andrea Brillantes.

Ibinahagi niya kasi sa vlog ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila na diagnosed siya ng "Congenital Anosmia" — isang kondisyon kung saan ipinanganak ang isang tao nang walang pang-amoy. Panghabambuhay ito.

"Wala po akong pang-amoy at all. Wala po talaga. As in pwede po akong ututan sa mukha," wika niya sa video na in-upload nitong nakaraang Sabado.

"Doon ko actually nalaman. Kasi inututan ako ni daddy dati [tapos] silang lahat hinihintay 'yung reaction ko, tapos sabi ko, 'Ano?'"

"Doon ko na-realize, 'Hala, may mali ba sa akin?'"

Matapos nito, nagtungo raw siya agad sa cabinet ng kanyang ate lalo na't marami raw pabango ang nabanggit.

Sa dami ng kanyang ini-spray, uminit na raw ang leeg ni Andrea pero talagang wala raw siyang maamoy.

Banggit tuloy niya, sadyang kulang ang kanyang senses at hindi pa nararanasan ang mundo gaya ng karaniwang tao.

"'Yung meron lang akong sensation kapag may alcohol, 'yung rubbing alcohol, 'yung parang lalamig [sa ilong]. 'Yun lang, mga cooling-cooling, pero amoy po wala talaga," dagdag pa niya.

"Flowers, food, [kape hindi ko maamoy]."

"Wala po talaga akong memory ng kahit na anong amoy."

'Mahilig sa pabango, may panlasa pero kulang'

Sa kabila ng kawalan ng kapasidad makaamoy, sinabi niyang mahilig naman daw siya sa mga pabango. Pero para malaman kung ano ang okey, pinapaamoy at ipinapa-"describe" niya na lang ito sa kanyang ate at boyfriend.

Gayunpaman, tiniyak naman niyang nakakalasa siya ng pagkain — bagay na karaniwang hindi nagagawa ng mga taong may problema sa pang-amoy gaya ng may COVID-19 at barado ang ilong.

"Sa akin po, kumpleto naman ['yung panglasa ko], pero hindi ko masasabi kasi ipinanganak akong ganito so hindi ko maco-compare kung anong natitikman niyo sa natitikman ko," dagdag niya pa.

"So hindi ko alam kung kulang 'yung sa akin [sa nalalasahan ko], pero sabi nila ate kulang kaya raw ako mahilig sa sobrang maasim, maalat, sweet."

Ang problema, nahihirapan daw siyang malaman kung ano ang mga pagkain at inuming panis lalo na't hindi niya ito maamoy: "'Pag minsan may mga pagkain na hindi lasang panis, pero amoy panis na, naubos ko na."

Ngayong Abril lang nang maging viral si Andrea Brillantes matapos mag-propose sa kanya si UP Fighting Maroons basketball player Ricci Rivero upang tanungin kung pwede silang maging mag-boyfriend-girlfriend. Sinagot naman niya si Rivero.

Maagang pumasok sa mundo ng showbiz si Andrea, dahilan para masabi niya kamakailan na "nawalan siya ng childhood."

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

KAREN DAVILLA

SCENT

SMELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with