^

PSN Showbiz

Maja, parang nangopya kay Anne!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Maja, parang nangopya kay Anne!
Maja.

Tama ang tweet ni Anne Curtis kamakailan, “Good Morning Madlang Peeps! See you on showtime later! Yan ha. Making up for my absences na! Hahahaha,” dahil hanggang kahapon ay nasa It’s Showtime siya.

Bale Mondays and Thursday lang si Anne sa noontime show ng ABS-CBN, pero two weeks ago, absent siya at taped episodes naman ‘yung ipinalabas last week.

Pero noong Monday nga, nasa It’s Showtime na siya uli. Ang maganda, pati noong Tuesday ay napanood siya sa show. Kahapon, dumating din siya.

Tinanong ko ang isang insider ng noontime show kung buong week ba mapapanood si Anne sa show?

“Hanggang today, pero ang next niya, sa Sa­turday na. Tamang-tama at start na kami sa TV5.”

At heto pa ang good news, mukhang pinaghahandaang mabuti ng mga taga-It’s Showtime ang pagsisimula nila sa TV5 on Sa­turday (12:45 p.m.) kung saan ka-back-to-back na sila ng Lunch Out Loud (11:00 a.m. to 12:45 p.m.) dahil hindi lang si Anne ang nasa show kundi pati na rin si Vice Ganda.

Kinumpirma rin ng kausap ko na since darating na sa bansa si Vice on Friday, a-appear na ito sa show on Saturday!

Nice na parehong nasa It’s Showtime sina Anne at Vice Ganda at kasama rin sina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Kim Chiu, Jhong Hilario, Ion Perez at iba pa.

Teka nga pala! Ang Lunch Out Loud ba nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani at iba pa ay live rin sa Saturday?

“Yes!” ang sagot ni Pat-P Daza nang tanungin ko kahapon.

So bongga!

Samantala, ang mga post kahapon ni Maja Salvador sa kanyang Instagram account.

“The first ever Dancing Kween will be crowned this Saturday (with crown emoji).
“Legit talent!!! Level up performances!!! Maja-hatulan na sila!!! #EBDancingKweenGrandFinals Saturday July 16, 2022, 11:30AM @eatbulaga1979.”

So ‘yon pala ang pangtapat nila sa back-to-back ng It’s Showtime at Lunch Out Loud.

Pero alam mo, Ateng Salve, ang napansin namin, ‘yung bodysuits ni Maja at ng mga kasama niya.

Ganoon kasi ang suot ni Anne sa comeback concert niya na Luv-Anne noong June 11.

‘Yung mga kasama ni Anne, hawig talaga ang design ng bodysuit pati na ang kulay, huh!

Si Anne kaya ang inspiration nila sa bodysuits na suot nila?

Tinanong ko ang isang malapit kay Anne kung anong brand ang isinuot na ‘yon ng misis ni Erwan Heussaff sa isang production number sa comeback concert nito?

“Mugler,” sey ng taong tinanong ko.

‘Yun na!

vuukle comment

MAJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with