^

PSN Showbiz

Beauty, susubukan sa EB

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Isasalang ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez ngayong Sabado sa Eat Bulaga bilang guest co-host.

Ngayong Sabado ang bardagulan ng dalawang noontime shows laban sa Eat Bulaga.

Eh hindi na bago sa ganitong sitwasyon ang Bulaga. Marami nang tumapat, sumubok na pataubin ang longest running noontime show pero nananatiling nakatayo pa rin ang Bulaga.

Anniversary month ngayong July ng Bulaga kaya naman may mga sopresa pa rin silang handog sa manonood.

Basta ngayong Sabado, ang kauna-unahang Dancing Kween grand finals ng exceptional individuals ang ihahain nila sa manonood kasama ang pamimigay ng tulong sa Sugod Bahay, ng cakes na may premyo at ang paborito ng lahat na Bawal Judgmental!

Lumipad pa-Sweden…

Lumipad patungong Sweden si KC Concepcion upang dumalo sa kasal ng kanyang half-sister Cloie Syquia. Ipinakita ni KC sa kanyang Instagram ang sibling moments nila sa araw ng kasal.

Welcome na welcome naman si KC ng parents ng kapatid sa pagbisita sa Sweden.

“Thank you tita @jennysyquia and Filip for being so gracious and to the wonderful Skarnes for being warm and welcoming me as family. Precious weekend,” caption ni KC sa picture niya sa wedding pati na rin habang kasama si Tita Jenny niya.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with