^

PSN Showbiz

Lovi, naipakilala na si Piolo sa BF; Vice at Ion, shopping to the max sa New York

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lovi, naipakilala na si Piolo sa BF; Vice at Ion, shopping to the max sa New York
Monty at Lovi
STAR/ File

Beverly Hills, CA. –  Yes, Ateng Salve, I’m back in Los Angeles!

Sayang nga lang at past 10:00 p.m. na ako dumating noong Monday (past 1:00 p.m. sa ‘Pinas) dahil sabi ng isang kakilala ko, kagaga­ling lang nila sa Yamashiro Hollywood. Nandoroon din daw sina Piolo Pascual at Lovi Poe (with her boyfriend Monty Blencowe).

Wow, nagkita na pala ang mag-co-star sa Flower of Evil ng ABS-CBN at naipakilala na nga ni Lovi ang kanyang leading man sa boyfriend.

Gusto ko sanang tanungin si Lovi tungkol sa pagkikita nila ni Papa P, pero late na nga kasi kaya nahiya naman akong tawagan pa siya.

Noong Monday nga ay nakabalik na si Papa P sa LA mula sa Stockton kung saan ginawa ang second show nila for Heartthrobs US concert tour nila ni Sam Milby.

Sa July 16 pa ang next show ni Piolo sa Alexandria, Virginia, sa tingin mo, Ateng Salve, makita ko rin kaya siya sa LA?

Well...

Ang nasa New York City naman ngayon at masayang namamasyal (with mat­ching shopping) ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez.

Tapos na kasi ang Fully Vice-cinated nila kaya hanggang Thursday sila na mag-e-enjoy roon.

Feeling ko, Ateng Salve, kaya Friday night ang dating ni Vice sa ‘Pinas ay dahil a-appear na siya sa It’s Showtime on Saturday dahil mapapanood na rin sila sa TV5 ng 12:45 p.m.

Annabelle, ‘nakabantay’ kay Lorin

‘Kaaliw naman si Annabelle Rama.

Nang maka-connect kasi ako sa WiFi sa LAX (Tom Bradley Internatio­nal Airport), may missed calls na siya.

So, tinawagan ko naman kaagad si Bisaya.

Ang apo niyang si Lorin Gutierrez kaagad ang kinumusta sa akin ni Bisaya.

“Tita, nasa airport pa lang ako. Hindi pa kami nagkikita ni Lorin,” sey ko naman.

Si Bisaya, parang si Ruffa Gutierrez rin na palaging nakatutok kay Lorin.

Noong Friday evening pa lang umalis ng ‘Pinas si Lorin pero grabe na ang pagka-miss sa kanya ni Bisaya, huh!

Panganay na apo ni Bisaya si Lorin kaya naman maiintindihan mo na talagang tutok na tutok siya sa anak ni Ruffa.

‘Yun na!

vuukle comment

ANNABELLE

LORIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with