^

PSN Showbiz

Viy Cortez matapos manganak: ‘Babawi ako sa sarili ko next time’

Philstar.com
Viy Cortez matapos manganak: �Babawi ako sa sarili ko next time�
Litrato ng Youtube star na si Viy Cortez, Lunes, ika-11 ng Hulyo
Mula sa Facebook page ni Viy Cortez

MANILA, Philippines — Umani ng papuri sa netizens ang YouTube star na si Viy Cortez sa kanyang Facebook matapos mag-post ng litrato niyang tila stress at walang tulog — ito matapos niyang ipanganak ang anak nila ng kapwa celebrity at komedyanteng si Cong TV (Lincoln Cortez Velasquez sa totoong buhay).

Makikitang walang make up at kahit anong ayos ang 25-anyos sa larawan, salungat sa mga post niyang todo postura bago maging certified mommy. 

"Itsura ng nagpapadede, may tahi, nangangapa pa pano ba dapat ang tamang gawin. Okay lang yan bawi na lang sa mga susunod na buwan. Mahalaga, healthy si baby. Alam ko naman mahal ako ni Cong at ni Kidlat kahit ang panget ko ngayon,” ani Viy sa kanyang caption, Lunes.

Sinabi pa niyang babawi siya sa kanyang sarili ngunit kapakanan muna ng kanyang anak ang kanyang iisipin ngayon.

"Babawi ako sa sarili ko next time. Ngayon, para sa anak ko muna lahat."

Hands on mommy si Viy sa kanyang panganay na lalaking anak na pinangalanan nilang "Kidlat" o Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. 

Katuwang ni Viy sa pag-aalaga kay Kidlat ang partner na si Cong TV, na una nang tinawag na "paboritong kakwentuhan" ang sanggol.

Inulan ng magagandang comments ang naturang post na umabot na sa mahigit 600K reactions, 10K comments at 63K shares habang isinusulat ang balitang ito. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

BABY

PREGNANCY

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with