^

PSN Showbiz

Vice, Coco, Toni, Ivana at iba pang box-office stars, bibida sa MMFF ‘22

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice, Coco, Toni, Ivana at iba pang box-office stars, bibida sa MMFF �22
Coco Martin at Toni Gonzaga.

In-announce na ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival ang apat na script na pasok sa darating na MMFF 2022.

Nakakatuwa dahil balik na ang box office stars na maaaring magbabalik sigla sa ating local film industry.

Narito ang sumusunod na script na magiging bahagi sa magic 8 ng MMFF :

Labyu With an Accent ng ABS-CBN Film Productions, Inc. na pagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria. Si Coco o Rodel P. Nacianceno (Coco) ang director nito.

Pasok din ang pelikula ipu-produce ni direk Lino Cayetano, ang Nananahimik ang Gabi na pagbibidahan nina Ian Vene­racion at Heaven Peralejo. Si Shugo Praico ang writer at director nito.

Balik si Vice Ganda sa MMFF kasama ngayon si Ivana Alawi, sa pelikulang Partners in Crime ng ABS-CBN Film Productions. Si Cathy Garcia-Molina ang director nito.

Kakaibang tambalan naman itong isang entry na The Teacher ng Ten 17P Productions na pagbibidahan nina Joey de Leon at Toni Gonzaga.

Inaasahang mababalik ang sigla ng mga sinehan sa malalaking pelikulang ito. Kaya ang tema ng ngayong taong MMFF ay Balik Saya para na rin sa mga kababayan natin sa ibang bansa na magbabalik-bayan sa darating na Pasko.

Ang natitirang apat na pelikulang pipiliin ay sa Sept. 2 ang early deadline nito, at Sept. 30 naman ang regular date of submission.

Kelvin, naapektuhan ang mental health sa lock-in

Ang laki pala ng epekto sa Kapuso actor na si Kelvin Miranda ng first experience niya sa lock-in taping nung ginawa niya ang The Lost Recipe kasama si Mikee Quintos.

Dito sa seryeng ito ng GTV inilunsad si Kelvin bilang leading man at pagkatapos ay sunud-sunod na ang mga ginagawa niya.

Pero sobrang apektado raw ang mental health niya pagkalabas niya ng lock-in taping sa drama series na ito. “Since po nung nag-start nung Lost Recipe. After po nun, nung lock-in po talaga, sobrang iba po ‘yung dating sa akin,” pakli ni Kelvin sa press launch ng bagong ini-endorse niyang Kaizen C plus na vitamin C ng Aqua Skin Philippines.

Dagdag pressure na siya ang ginawa sa nasabing project noon. “Na-pressure pa ako, since first lead ko po, at exposure ko po na ako ‘yung bida. So, ‘yung pressure, ‘yung obligation mo bilang artista dun sa show. Sobrang nabigla po ako, na-overwhelm ako, ‘yung sunud-sunod. And then, hindi po ako handa dun. So, ang laki po nung paninibago ko.

“So, paglabas po namin sa lock-in, dun po… as in ako pa rin po ‘yung character. As in, nanaginip po ako lagi ng kung ano ‘yung ginagawa ko, nagluluto ako. Tapos nasa kuwarto na ako, naghahanap pa rin ako ng camera ganun.

“Ang tagal po. Siguro buwan din ang inabot bago ako nakawala dun sa stage na ‘yun.”

First time niyang ma-experience na 10 araw na walang uwian, at bago pa ‘yan ay kailangang i-quarantine muna sila sa isang hotel, bago sila isalang sa taping.

Naranasan pa niyang magka-COVID, kaya talagang apektado na raw siya.

“Nagkaroon pa ako ng denial, as in,” bulalas ni Kelvin.

“So, hindi ko pa siya agad kinonsulta. Parang tina-try ko pang mina-manage sa sarili kong paraan, hanapin kong ano ‘yung reason kung bakit nagkaganun. Kasi, may mga times na bigla na lang ako nagbi-breakdown. Tapos, sumabay pa ‘yung nag-positive ako nung first wave ng COVID. Sobra, nagsabay-sabay po talaga siya,” sabi pa ng Kapuso actor.

Nag-seek siya ng professional help at malaki rin daw ang suporta ng pamilya niya at ng mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Okay na okay na raw siya ngayon, pero kailangan pa rin daw niyang ingatan ang sarili, lalo na ang kanyang mental health.

Sobrang nagpapasalamat si Kelvin sa Diyos dahil tuluy-tuloy na ang trabaho niya at maganda raw itong ini-endorse niyang Kaizen C plus na supplement dahil 10 in 1 daw ito at nakapaloob pa dito sa gamot ang ingredient na nakakabawas stress at anxiety.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with