^

PSN Showbiz

SILIPIN: Ex-'Goin' Bulilit' star Nash Aguas simula na trabaho bilang Cavite councilor

Philstar.com
SILIPIN: Ex-'Goin' Bulilit' star Nash Aguas simula na trabaho bilang Cavite councilor
Litrato ng dating child star na si Nash Aguas, ika-4 ng Hulyo, 2022
Mula sa Instagram account ni Nash Aguas

MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na nga ang dating child star na si Nash Aguas sa kanyang buhay pulitika ngayong simula na ang kanyang termino bilang konsehal ng Lungsod ng Cavite.

Ito nga ang kanyang ibinahagi sa mga constituents at fans sa isang Instagram post nitong Lunes.

"First session. Simula na ang trabaho," wika niya sa kanyang IG kahapon.

"Our journey back to being a first class city starts today."

Setyembre 2021 nang unang lumabas ang ugong-ugong na tatakbo sa pagkakonsehal si Nash matapos niyang manumpa bilang bagong miyembro ng partidong Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) — grupong kinabibilangan din ni Bise Presidente Sara Duterte.

Kamakailan lang nang magbalik sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" si Nash matapos ang pitong taon, kung saan gumanap siya bilang ang batang Cardo Dalisay.

Una nang naibalitang magtatapos ang naturang serye, na 2015 pa nagsimula, sa pagtatapos ng Hulyo.

— James Relativo

vuukle comment

CAVITE

COUNCILOR

NASH AGUAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with