^

PSN Showbiz

Jericho, hindi nawawalan ng oras sa anak

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Jericho, hindi nawawalan ng oras sa anak
Jericho at Santino.

Ang mag-amang Jericho at Santino Rosales sa Power Plant Mall, Rockwell, Makati City kahapon.

Nag-ayos si Jericho ng kanyang face mask kaya namukhaan ko siya.

Pero para makasigurado, tinawagan ko ang nanay ni Santino, ang dating fashion model na si Kai Palomares.

Siya ang tinanong ko kung kasama ba ng kanyang anak si Jericho?

“I think magkasama nga sila. Galing kasi ako ng Tagaytay. Si Santino, galing ng football game and magkikita nga sila ni Jericho, so, I’m sure sila nakita mo sa Power Plant Mall now,” sey ni Kai.

Sabi ko kay Kai, akala ko pa naman nasa Amerika pa rin si Jericho, pero sagot niya, “No. Matagal na siyang nakauwi.”

Naka-shorts nga pala si Santino, kaya sabi ko sa nanay niya, “In fairness, ang ganda ng legs ng anak mo, ha!”

“Ay, napansin mo. Thank you.”

Kay Kai nakatira si Santino, pero sa mga interbyu namin noon sa binata, sinasabi niya na maganda ang relationship nilang mag-ama. Okey na okey rin sila ng misis ni Jericho na si Kim Jones.

May mga pagkakataon din na may pictures na nase-share sa social media kung saan kasama rin nina Kai at Santino ang mag-asawang Jericho at Kim.

So nice!

Sharon at Regine, pinaghahandaan ang concert sa Amerika

The last time na nakatsikahan namin ang Iconic US concert tour promoter na si Nancy Yang, naikuwento niyang she will wait for Sharon Cuneta bago siya aalis pa-Amerika.

Sinabi niya ring sa July 7 ang alis niya, so, malamang na sa araw rin na ‘yon ang alis ng Megastar.

Ang alam ko, July 5, naman ang alis ni Regine Velasquez-Alcasid pa-Amerika.

May taping pa yata ang ASAP Natin ‘To sa araw na ‘yon, pero mukhang hindi na makakapag-taping ang Asia’s Songbird. Noong Sunday ay nag-taping din sila after ng live show.

Anyway, maganda ang feedback sa Iconic US concert tour nina Sharon at Regine at mabenta raw ang tickets.

Hopefully, makasunod ako sa US para makapag-cover ng second week ng shows nila.

‘Yun na!

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with