^

PSN Showbiz

Singapore, biglang naging paborito ng Pinoy celebs

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang Singapore ang destination sa bakasyon ng mga pamilya sa showbiz.

Sa Singapore nagpunta sina Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali, at ang pamilya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Ziggy.

Dahil siguro sa Universal Studios at sa balitang secured ng lugar kaya enjoy dito ang ating stars.

Bukod sa walang visa ang Singapore kaya madaling puntahan, hindi rin ito gaanong crowded kaya siguro dito pinili ng mga Sotto at Dantes na magbakasyon.

Ang sarap ng feeling na magkakasama out of town ang mga pamilya para sa quality time na bonding nila. Lalo pa nga at dito talagang very busy silang lahat, at least doon sa abroad, sila-sila lang ang magkasama, at parang normal na ulit ang lahat.

Bongga, parang nalipat ang showbiz sa Singapore for a week. Imagine mo, may Sotto na, may Dantes pa, suwerte ng fans na nakakita sa kanila.

Robin, magpapaka-superman sa senado

Kung babasahin mo lahat ng comments ni Robin Padilla, parang magiging malinis na sa corruption ang Pilipinas. Bongga ito ‘pag talagang nagawa ni Robin, talagang para siyang superman na nakarating sa senado.

Siyempre dahil isang artista madalas napi-pick up ng media ang anumang sound bites niya, anumang comment niya. At siyempre nakabantay sa kanya dahil number 1 siya noong nakaraang election among the candidates sa Senado.

Hindi mo rin naman alam baka nga lahat ng plano niya matupad, lahat ng gusto niya mabago at magawa niya.

Sana nga tuluy-tuloy ang energy niya para sa bago niyang career, at makita ang mga bagay na inaasahan ng followers niya.

Ito ang moment ni Robin para makita ng lahat ang trabaho niya at kakayahan.

Sana nga, biglain niya lahat sa resulta ng trabaho niya. Sana nga maalis niya ang corruption, maraming mas matulungan.

vuukle comment

SINGAPORE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with