^

PSN Showbiz

Rufa Mae Quinto may pasabog, umibig na sa bading... ng ilang beses

Philstar.com
Rufa Mae Quinto may pasabog, umibig na sa bading... ng ilang beses
Litrato ng aktres na si Rufa Mae Quinto
Mula sa Instagram account ni Rufa Mae Quinto

MANILA, Philippines — May ibinuking si Rufa Mae Quinto tungkol sa kanyang mga naging nakarelasyon na ikinagulat ng mga kasama niya sa "The Boobay and Tekla Show."

Sa isang segment ng naturang show, Linggo, naglaro ang aktres ng “Sasagutin o Kakainin” kung saan dapat niyang kainin ang anumang pagkaing nasa harap niya kung hindi niya sasagutin ang itatanong sa kanya.

Ang unang tanong na napunta kay Rufa: "Na-in-love na ba sa isang lalaki tapos nalaman mong lalaki din ang gusto?"

Sumagot naman ng "oo” ang aktres ngunit hindi niya pinangalanan kung sino ang nabanggit.

Aniya, maraming beses na raw ito nangyari sa kanya.

"Attracted ako sa bading," hirit ni Rufa.

"Kaya nga late ako nag-asawa," pagpapatuloy niya.

Kwento pa niya, dumating na sa punto noong “nalimutan” na niyang babae siya sa pag-aakalang pati siya’y magiging kaanib ng pederasyon.

"Sabi ko, 'Ay! Hindi pa ako nag-aasawa. [B]abae pala ako... kasi parang nakalimutan ko noon, akala ko bading na rin [a]ko," biro niya.

Nang tanungin ni Boobay kung paano niya nalaman na bading pala ang type nya: "Hindi ko nalaman. Umamin naman," tugon ni Rufa.

Sa ngayon, happy mother na ang aktres sa anak niyang si Alexandria Athena sa mister niyang Filipino-American na si Trevor Magallanes. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

vuukle comment

GAY

LGBT

LOVELIFE

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with