^

PSN Showbiz

Bea, ‘di pa limot ang betrayal ni Gerald

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea, �di pa limot ang betrayal ni Gerald
Gerald at Bea.

Kung sakaling magkakaroong muli ng proyekto sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ay tatanggapin daw ito ng aktres.

Wala umanong magi­ging problema sa dala­ga na makatrabahong muli ang dating kasintahan. “Depende kung sinong ex (boyfriend). Kay Zanjoe okay akong makipag-work. Isa lang naman ‘yung ayaw kong ex. Kasi kami ni Z hindi ugly breakup. Until now we’re friends it would be disrespectful to our relationship if we ended it badly. Kasi iba kapag may betrayal na factor,” makahulugang pahayag ni Bea.

Matatandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan ng aktres at Gerald Anderson ilang taon na ang nakalilipas.

Si Julia Barretto ang naging kasintahan ng aktor pagkatapos ng hiwalayan. Ngayon naman ay maayos at masaya ang relasyon nina Bea at Dominic Roque.

Bilang isang aktres ay bukas din sa posibilidad si Bea sa paggawa ng isang romance film na kasama ang dating kasin­tahan. “If you’re after giving your audience a good performance, it would be helpful. So hindi ako takot sa gano’n because I know my boundaries as an actor and as a girlfriend to Dom. Alam ko ‘yung boundaries,” giit ng dalaga.

Joem, marami pang gustong matutunan

Mula nang pasukin ang show business ay marami ang nagsasabi kay Joem Bascon na malaki ang pagkakahawig nito kay Piolo Pascual.

Ngayon ay makakasama si Joem sa teleseryeng Flower of Evil na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo. Lubos na nagpapasalamat si Joem dahil patuloy pa rin ang mga ginagawang trabaho. “Masaya, I mean ilang years na rin ako sa showbiz. Nandito pa rin ako kahit na nandiyan pa rin ‘yung sinasabing kamukha (ni Piolo). Basta gawa lang nang gawa ng trabaho. Kasi hindi naman matatapos ‘yon eh,” nakangiting pahayag ni Joem.

Maraming beses nang nakatrabaho ng aktor si Piolo sa mga proyekto. Ayon kay Joem ay naging kabarkada na rin niya ang aktor sa loob ng 17 taong pananatili nito sa industriya. “I am happy kasi isa si Piolo doon sa mga unang nakatrabaho ko noong nag-start ako. So getting here na makatrabaho ko siya, maging barkada, maging kaibigan, masayang-masaya ako. Kasi at the end of the day, kahit anong gawin namin sa set, ganito pa rin kami. Makukulit pa rin kami,” giit niya.

Sa loob ng halos dalawang dekada ay maraming karakter na ang nagampanan ni Joem.

Ayon sa aktor ay marami pa siyang gustong matutunan pagdating sa mga trabahong ginagawa. “Sa akin kasi noong nag-start ako, after kong gumawa ng pelikula, gusto kong maging actor and I wanted to do different roles. I wanted to learn different characters, different personalities. Hindi ka titigil sa isang character lang after ng isang karakter mo. Gagawa at gagawa ka pa ng iba. Kundi man buhay ng tao, bagong karakter ng tao. Hindi siya choice para malayo doon sa news or sa mga nagsasabi na kamukha ko si Piolo. It’s more of gusto ko lang umarte talaga,” paliwanag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with