John Lloyd, kasama ang girlfriend at anak sa kanyang birthday

Isabel at John Lloyd.

One happy family ang birthday celebration ni John Lloyd Cruz sa taping ng sitcom niyang Happy ToGetHer.

Aside from his co-stars, present sa kanyang papiging sa taping ang girlfriend niyang si Isabel Santos at anak na si Elias.

Ang saya ng kanilang animo’y suprise for John Lloyd.

Ang girlfriend niyang si Isabel ang may hawak ng cake at si Elias ay andun din at nakiki-blow ng cake habang kumakanta ng happy birthday ang mga nasa taping.

Meron pang kuha sa video si Jayson Gainza na nakaupo ang magkarelasyon at panay ang caress nito sa actor.

Lately ay nagiging visible na ang magkarelasyon.

Si Isabel ay apo ng National Artist na si Malang Santos at na­ging grand winner ito sa UT Grand Prix (global t-shirt design competition ng Uniqlo).

Thirty-three years old na si Isabel ayon sa isang relative nito na nagkumpirma ng kanilang relasyon.

 

Show comments