Family..., pumalo ng 7 milyong views

A Family Affair casts.

Isang pamilyang pinagbubuklod ng sikreto at kasinungalingan ang unti-unting masisira sa bagong family drama serye ng ABS-CBN na A Family Affair, na tumabo ng higit pitong milyong views ang trailer sa loob ng dalawang linggo mula noong in-upload ito at pinag-usapan sa social media.

Ani ni Ivana Alawi, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang programa dahil sa tiwala siya sa ABS-CBN sa pagbuo ng kwento at hindi siya pababayaan nito. “It’s something different kasi it’s not just drama. There’s a lot more. It’s very seductive, steamy, sexy, thrilling, at myste­rious. Kapag gawang ABS, talagang class.

Ayon naman kina Gerald at Sam, iba ang kanilang roles bilang Paco at Dave sa mga karakter na nagampanan nila sa mga dati nilang nagawang serye. Sabi ni Gerald, “Siya (Paco) ‘yung mas nagmamahal at humahabol. That’s where his world revolves. He’ll do everything for her (Cherry Red) even though sa simula hindi strong ang feelings sa kanya. I took it as a challenge para sa cha­racter ko that whatever happens, makukuha ko ang loob niya.”

Para naman kay Sam : “‘Yung mga teleserye na ginawa ko dati straightforward. Dito, mas focus sa pamilya. Ako ‘yung panganay. I guess ‘yung inner struggle kay Dave is something I have not done sa past seryes ko.”

Iikot ang serye sa dalagang si Cherry Red (Ivana) na aampunin ng pamilya ng Estrella. Lalaki siya kasama ang magkakapatid na sina Paco (Gerald), Dave (Sam), Seb (Jake Ejercito), at Drew (Jameson Blake). Magiging komplikado ang kani-kanilang relasyon sa isa’t isa nang umibig sa kanya ang ang dalawang nakatatandang Estrella, sina Dave, ang kanyang unang minahal, at Paco na kanyang magiging fiancé.

Idinirehe nina Jerome Pobocan at Raymond Ocampo, makakasama rin sa naturang serye sina Aya Fernandez, Edu Manzano, Rans Rifol, Heaven Peralejo, at marami pang iba.

Show comments