Lolong, inaabangan

Ruru Madrid.

Marami nang naiintriga sa bagong serye na Lolong na mapapanood sa GMA 7 simula sa Hulyo 4!

Usap-usapan ang inilabas nitong full trailer kung saan makikita ang pagiging action hero ni Ruru Madrid na may green eyes at self-healing ability o kakayahang pagalingin ang sarili. May patikim din ang Kapuso actor sa kanyang intense fight scenes!

Napansin din ang effects at cinematography nito.

Kasama ang kanyang dalawang lea­ding ladies na sina Shaira Diaz at Arra San Agustin malalaman na kung bakit ‘di bumitiw si Ruru kahit na nga inabot ng mahigit dalawang taon bago ito natapos.

Samantala, hindi pa man napapalabas ang Lolong, heto’t abala na agad ang Kapuso actor sa paglipad sa South Korea para sa local adaptation ng Running Man PH.

 

 

Show comments