Bea, pinepersonal ang mga kritisismo

Bea Alonzo.

Tawang-tawa naman ako sa mga nagtatanong kung bakit daw may gap kami ni Bea Alonzo, Salve. Wala kaming away dahil never ko pa siyang nakita in person.

Hindi kami magkakilala, kaya dapat wala kaming maging issue. Nagsimula lang iyan ng nag-IG ako na hindi bagay sa kanya ang role sa Start-Up na bagong graduate kaya hirap makakita ng trabaho dahil dapat medyo younger sana ang gumanap na star sa role.

Patola ang kampo ni Bea Alonzo na nag-react, personal ang naging basa sa ginawa kong comment. At doon na nagsimula ang sagutan. Hanggang tuluy-tuloy na at naging petty na.

Iyan ang mahirap ‘pag lahat na lang pinapatulan, dapat basahing mabuti at gamitin ang comprehension mo para maintindihan ang ibig sabihin ng comment. Ngayon, tutal naman feeling ni Bea Alonzo non-entity ako, at kahit ano ang sabihin o isulat mananatili siyang mega star of all season, Ok lang. Ayaw niyang makita ako sa mga presscon niya, ok lang, kainin niya food na para sa akin, idagdag niya enve sa TF niya, pasado pa rin. Ayaw niya akong makita sa mga pupuntahan niya, go, walang problema.

Lahat ng hiling ni Bea Alonzo pagbibigyan ko, dahil baka malay ko, abutin siya ng 100 years old na sikat pa rin, anong laban ko doon, ‘di ba! So Bea Alonzo, ikaw na, talagang ikaw na ang reyna, queen, madam, boss of all time, bongga ka, saludo na ako sa powers mo, pero tandaan mo, dalawang beses kang na-ghosting ni Gerald Anderson, so meaning, kulang pa rin ang ganda at powers, wala pa ring nagawa nang iwanan ka. Huh huh huh!!!

Dennis, may dahilan ang tampo sa mga anak

Siyempre understandable naman ‘yung hugot ni Dennis Padilla na nagtampo na hindi siya nabati ng mga anak ng Father’s Day, Salve.

Pero kung iisipin mo talaga naman kadalasan sa mga bata lalo pa nga at ‘yung kalikutan pa ang edad hindi ugali ang bumati ng Mother’s Day o anumang okasyon dahil either busy sa laro, o hindi pa rin nila maisip na importante sa mga may edad na batiin sila sa mga special na okasyon. Saka hindi naman yata kasama ni Dennis Padilla ang ilan sa mga anak niya, kaya hindi niya dapat asahan na ma-remember ng mga ito ang pagbati sa kanya. Kaya nga kung minsan hindi mo rin masisi na nababalita ang mga maliit na tampuhan kasi nga nagiging vocal sa pagsasalita kung minsan ang mga artista. Hayan tuloy at napag-uusapan, at nagiging issue.

Basta kung ‘di man nabati si Dennis Padilla hayaan na niya, tiyakin niya lang na sa paglaki ng mga bata mahalin siya ng mga ito at ituring na dear father nila kahit hindi sila magkasama sa bahay. Ang importante ‘yung nasa puso nila, hindi ‘yung pagbati. Basta father ka nila, ok na iyon ‘di bah!

 

Show comments