Pelikula nina Kim at Xian, paguran ang lock-in!

Kim Chiu at Xian Lim.

Naka-lock-in ngayon sa Olongapo para sa Viva Films mo­vie na Always ng real life couple na sina Xian Lim at Kim Chiu.

Ayon sa direktor nilang si Dado Lumibao, baka hanggang July 1 pa ang shooting ng kanilang KimXi movie. “Hopefully, hanggang July 1 po,” tsika ni Direk Dado na ibig sabihin ay puwedeng ma-extend ‘yon.

Ayon pa kay Direk nan aka-chat namin kahapon, okey naman ang takbo ng kanilang lock-in shooting at nasa third shooting day na nila at, “Okey naman ang shoot namin. Paguran lang. Hehehe.”

Dagdag pa ng direktor, “Romance-drama ang movie namin.”

Ang mga KimXi fan, excited na sa Always movie nina Kim at Xian.

Bongga!

Ruffa, may birthday wish kay John Lloyd!

Naiba na naman ang plano kahapon ni Ruffa Gutierrez para sa kanyang birthday dahil biglang kagabi na siya nagkaroon ng family dinner.

Invited ako sa family dinner nila at na-excite ako dahil pati si Richard Gutierrez ay nandoroon.

Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkikita ni Richard at puro WhatsApp chat lang kami.

Anyway, today ay busy rin si Ruffa dahil may press Zoom event din ang Maid in Malacañang ng Viva Films.

Kahapon ay nasa It’s Showtime siya para sa Sexy Babe segment at touched siya nang magkaroon ng munting selebrasyon ang show para sa kanyang birthday.

May pa-cake sa kanya, pero biniro raw siya ni Vhong Navarro.

“Vhong teased me to JLC (John Lloyd Cruz). We have the same birthday. So my wish for JLC was, I hope you’re happy. Hahaha,” tsika ni Ruffa.

‘Yun na!

 

Show comments