Andre, iiwan muna ang paglalaro

Andre Paras.

MANILA, Philippines — Pahinga muna sa pagiging PBA player ni Andre Paras!

Yes, sa nakaka-miss sa programa sa Kapuso network si Andre, ibinalita niyang magbabalik-akting na siya. Isang TV series ang magtatampok sa kanya at kung tama kami, ito ‘yung Return to Paradise na bida sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Nagkaroon naman ng exposure sa PBA games si Andre sa koponang sinamahan niya. Eh dahil nasa dugo rin ang pag-aartista eh welcome pa rin naman siya sa GMA.

Hayaan na lang niya ang kapatid na si Kobe Paras sa lara­ngang ito. Tutal naman, nasa showbiz rin ang amang si Benjie Paras, huh!

Alden at Jasmine, nasa Amazon na rin

Dumadagsa ang Amazon US FreeTeevee sa platform kung saan mapapanood ang Kapuso series na The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Napapanood na sa biggest streaming platform, na Netflix ang nasabing series. Isa ito sa bagong achievements ni Alden dahil mas marami ang makakapanood sa last series na ginawa niya.

Tiyak na magiging excited ang fans niya sa US lalo na’t matapos gawin ang taping ng Start-Up, nakatakda naman niyang gawin ang kanyang US Concert Tour!

Show comments