Family Feud, ibang level ang saya

Donson, Salve, Dingdong, Ian at Ervin
STAR/ File

Literal na ang saya-sayang maglaro sa Family Feud ng GMA 7,  hosted by Dingdong Dantes.

At certified super popular bago mag-24 Oras.

Kasi, parang wala ata akong kilala na hindi nanonood.

Last Tuesday kasi umere ang episode na kasali kami ng mga kaibigang editor / columnist na sina Ian Fariñas (People’s Tonight), Dondon Sermino (Abante) and Ervin Santiago (Bandera online). Kami ang bumuo ng Team Eds.

Nakalaban namin ang Team That’s Entertainment na sina Ramon Christopher, Ana Roces, Marilyn Villamayor and Shirley Fuentes. Active pa rin  sina Ramon, Ana and Shirley except for Marilyn na full-time nurse sa isang hospital.

Sobra ang reaction na natanggap namin hanggang sa ibang bansa.

Simple lang ang mga tanong pero nakakalito dahil nakabase ang sagot sa resulta ng survey sa 100 katao na very masa ang sagot.

Wala namang umuwing luhaan. Kahit ‘lotlot and friends’ ang grupo namin ay may premyo pa rin.

Pero more than the TF, kakaiba ang fun at thrill na makapaglaro sa number 1 game show at ang host ay si Dingdong na very cool at dagdag aliw ang dance number niya ng jingle na may last song syndrome talaga. Hahaha.

But anyway, hindi man kami nanalo at nakalaro sa jackpot round, bongga naman ang rating.

Last Tuesday, 9.3 %. Ito ‘yung day na naglaro kami. Eh last Friday pala, 8.7 % and last Monday 8.6 %.

Salamat naman sa mga nanood. Hahaha.

Sa mga ‘di nakapanood, nasa kanilang official Facebook and YouTube channel ang buong episode.

Awesome job, Dong, and congratulations.

Ang FF ang pumalit sa Wowowin ni Willie Revillame na ang hula ni Nay Lolit Solis ay matatagalan pa ulit na mapanood sa free TV.

Show comments