Jake, nakakapaglaro na sa taping

Jake
STAR/ File

Simula ngayong Lunes ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang A Family Affair na pinagbibidahan ni Ivana Alawi.

Makakatambal ng sexy actress sa bagong proyekto sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito. Masayang-masaya si Jake dahil muling pinagkatiwalaan ng ABS-CBN. Matatandaang nagbida rin ang aktor sa Marry Me, Marry You kasama nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino noong isang taon. Kabilang din si Jake sa The Broken Marriage Vow na magtatapos naman mamayang gabi. “I’ve been really blessed. I’ve been fortunate na sunud-sunod. I’m really grateful,” bungad ni Jake.

Marami na raw natutunan ang aktor pagdating sa trabaho dahil sa mga na­ging kasamahan sa mga proyekto. “Kapag naman may dumadating na offer o project, I always take it as a challenge. I take it as an opportunity to better my craft, to learn from my co-actors,” giit niya.

Kahit mahigit isang taon pa lamang umaarte sa harap ng kamera ay naging kumportable na rin si Jake sa set bilang isang aktor. “All I can say is, personally, I’m more comfortable now compared to when I started with Marry Me and Broken Marriage. Ngayon natututunan ko nang i-enjoy ‘yung ginagawa ko. I don’t want to assess my performance. Ang alam ko lang, mas kampante na ako. Mas nakakapaglaro na ako sa set,” pagtatapos ng aktor.

Kean wala na sa Callalily, abala sa kanilang oc records

Kinumpirma ni Kean Cipriano na hindi na siya miyembro ng bandang Callalily. Matatandaang maraming mga kanta ng grupo ang sumikat mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Abala na ang dating bokalista ng Callalily sa OC Records Philippines na pag-aari nila ng asawang si Chynna Ortaleza. Sinimulan ng dalawa ang negosyo noong 2018 na kasama rin daw ang Callalily. “Before, yeah, when the band was still together. Callalily is done. I’m moving on, mo­ving forward and I wish them all the best,” makahulugang pahayag ni Kean.

Labingpitong taong naging bokalista si Kean ng Callalily. Ayon sa singer-actor ay marami na rin silang mga napagdaanan bilang isang grupo. “I believed we’re not in a fairy tale world. I mean we’re okay. I think in a group, magkakasama kayo for 17 years, marami na rin nangyari and medyo matagal na rin kaming hindi okay. So parang ibang chapter naman for us,” pagtatapat niya.

Napababalitang naghahanap na ng bagong bokalista ang Callalily ngayon. Umaasa naman umano si Kean na magi­ging aktibong muli ang dating banda. “I hope they find it, kung sino man. I wish them really all the best. Callalily is done and kung ano man ang gusto nilang dalhin, 10 years babalikan naming lahat and pasasalamatan namin ang isa’t isa and that was a good call. ‘Yung growth natin, iba na siya ngayon. I wish them well,” pagtatapos ni Kean.

(Reports from JCC)

Show comments