Bea, walang tsansang maagawan ng korona sina Marian at Heart

Marian
STAR/ File

May malaking anniversary celebration ang GMA 7,  at tiyak ko invited ako, at ganun din sina Salve at Gorgy Rula. Kaya naisip ko, baka i-request ni Bea Alonzo na i-cancel ka­ming tatlo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA 7.

Balak pa yatang agawin ang korona ni Marian Rivera, at unahan si Heart Evangelista. Baka mag-power play at sabihing hindi siya pupunta kung nandu’n tayo kaya ngayon pa lang, Bea Alonzo, gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta, kaya punta ka na. Maaga ka mag-make up para matakpan ang wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng young stars, at please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka-aura, hah hah hah.

Naku, Bea, iyang power play mo na nagpapa-cancel ng invited writers sa presscon luma nang style ng mga nalaos at walang career na artista. Sana mas maganda kung tipo na ikaw ang nagbayad ng presscon para mapili mo ang invited guests. Pero ‘yung hindi ka naman gumasta, tapos feeling high and mighty ka na mag-aalis ng writers, bongga!

Feeling super mega star of all season, tingnan muna ang wrinkles, at tingnan ang level ng career bago mag-feeling superstar.

Sayang ang fading beauty kung maganda lang face pero ang puso ay kulay itim.

Akala pa naman namin, sweet ang face, kaya sweet din ang ugali. Puwede palang sweet and sour ang isang tao.

Sayang, akala namin dahil mabait si Bea Binene, ganun lahat ng Bea, mali pala kami. Hay, Gorgy at Salve, kay Bea Binene na lang tayo, ‘yung ibang Bea baka i-cancel tayo, hah hah hah.

Lorna, tuwang-tuwa sa Probinsyano

Tuwang-tuwa si Lorna Tolentino sa naging participation niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Kasi nga kakaiba ang ibinigay sa kanyang role at talagang happy siyang katrabaho si Coco Martin.

Gustung-gusto niya ang sipag nito sa trabaho at ang focus sa ginagawa. Talagang hinintay niya na maging guest siya sa Probinsyano dahil isa rin siya sa viewer nito. Kaya hindi niya pansin na malayo ang location, sa Ilocos kasi kinunan ang mga eksena niya dahil talagang gusto niya ang role at mapasama sa Probinsyano.

Kaya Coco Martin na, Lorna Tolentino pa, ano pa ang hahanapin n’yo! Watch na, Ang Probinsyano, bongga.

Show comments