Ruffa, walang pa-birthday party

Birthday ngayon ni Ruffa Gutierrez, pero wala siyang pa-party.

Nang magkatsikahan kami kahapon ni Raymond Gutierrez, ang sabi niya, ang advice raw niya sa kanyang ate ay huwag magpa-party.

Pero may mga pa-dinner for Ruffa ang ilang mga kaibigan like last Wednesday.

Eh, dumating na kahapon ang mga anak niyang sina Lorin at Venice mula sa Istanbul, Türkiye kung saan nakasama nila ang tatay nilang si Yilmaz Bektas, kaya may birthday bonding naman ang mag-iina.

Pero ang fami­ly bonding nila ay bukas pa, kasama ang iba niyang mga kapatid at parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Oo nga pala, inilabas na kahapon ng Viva Films at ni Direk Darryl Yap ang official poster ng Maid in Malacañang.

Ang nasabing project ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ruffa, pero hindi siya nagkukuwento ng updates tungkol doon para ma-surpise na lang ang lahat.

Si Direk Darryl ang madalas maglabas ng updates tungkol sa Maid in Malacañang at ayon sa kanya, kahit busy siya ngayon, may panahon pa rin daw siya para sa kanyang mga basher.

‘Kaaliw nga si Direk Darryl dahil talagang sinabi niya na para sa kanyang followers at ba­shers ang nasabing pelikula.

Anyway, happy birthday, Ruffa!

(Happy birthday, Ruffa G. – Salve)

Mga concert tour sa Amerika, walang pahinga!

Ang announcement kahapon ni Anna Puno ng Starmedia Entertainment na bukod sa Fully Vice-cinated! US concert tour ni Vice Ganda na magsisimula sa July 2 ay may tatlo pa siyang US concert tours na pinaghahandaan.

May US concert tour din si Gary Valenciano, ang Gary V: Reenergized sa September at October at eight cities ang pupuntahan nila.

Tuloy na rin ang second leg ng Threelogy nina Erik Santos, Morissette Amon at Christian Bautista at eight cities din ang pupuntahan nila kasama ang Edmonton at Vancouver, Canada.

Sa November hanggang December naman ang Christmas in our Hearts ni Jose Mari Chan na kasama niya ang The CompanY (na capital Y talaga ang spelling). Bale anim na shows ang gagawin ng tinaguriang Father of Philippine Christmas Music.

Ang bongga!

Noong April, rumatsada na sina Erik, Morissette at Christian sa first leg ng Threelogy at nagkaroon din si Anna ng Reminisci? with Joey Generoso and Jinky Vidal kaya naman very thankful siya dahil simula nang magbukas na ang concert scene sa Amerika ay na-busy na siya uli.

‘Yun na!

Show comments