^

PSN Showbiz

Darren, nakakapaghubad na

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Darren, nakakapaghubad na
Darren
STAR/ File

Kamakailan ay ginulat ni Darren Espanto ang netizens dahil sa mga larawang nai-post sa kanyang Instagram account.

Ibang-iba na kasi ang imahe ng singer base sa mga bagong larawan.

Nakakapaghubad na rin si Darren ngayon na hindi pa niya nasubukang gawin noon. “We started doing this po last year when I got back from Canada. Pagbalik ko po ng March, my team and I sat down and we decided na it’s time to kind of showcase a different Darren in terms of his image and everything, ‘yung styling ko po, ‘yung music ko and ‘yung appearance ko po. That’s why a lot of people were kind of shocked with my previous birthday pictorial na nakasando lang ako. Kasi hindi daw ‘yon nakikita nilang Darren and I think that was a good start,” nakangiting pahayag ni Darren.

May pagka-mature na rin ngayon ang mga music video ng singer na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Kahit nagbago man ng imahe ay hindi naman umano matatali ang singer sa isang genre lamang. “I don’t want to limit myself to one genre only. I’d like to keep on exploring different genre kasi nag-release na rin po ako ng single na alternative. Merong R&B, pop. I don’t want to limit myself but at the same time mas mature na tunog. Hindi katulad ng mga singles ni Darren after niya sa The Voice Kids,” paliwanag ng singer.

Ngayong taon ay mas papagandahin pa raw ni Darren ang kanyang katawan.

Sisikapin umano ng singer na madalas na makapag-workout sa gym kung mayroong pagkakataon. “Gusto ko po talaga to start working out more pero minsan po wala talagang time. May ginagawa rin po akong new series sa ABS-CBN so nawalan ako ng time dahil naka-lock in kami sa Baguio,” paglalahad ng binata.

Markus, masaya ang lagay ng puso

Tikom ang bibig ni Markus Paterson tungkol sa diumano’y pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan ni Janella Salvador. Kamakailan ay napabalitang nagkalabuan at nagkahiwalay na ang magkasintahan.

Ayon sa aktor ay ipauubaya na lamang niya ang pagsasalita kay Janella tungkol sa estado ng kanilang pagsasama. “Our relationship status is definitely something that people are asking about. As of now, I’m going to let her do the talking on this status. But we’re both very good,” pagtatapat ni Markus.

Magdadalawang taong gulang na ang anak ng magkasintahan na si Jude.

Ayon sa aktor ay masaya ang lagay ng kanyang puso ngayon kahit napapabalitang magkahiwalay na sila ni Janella. “Ang masasabi ko lang, masaya. Magaan in a lot of ways. We have a very good relationship with each other. So let’s just leave it like that for now. I’ve come to terms with a lot of things this year so far. I just can’t wait to grow more and learn more about everything in life. My craft, relationship, fatherhood. I’m so young and I can’t wait to just become the best version of me,” makahulugang pahayag ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with