^

PSN Showbiz

Richard at Aga, hindi na napantayan ang mga baguhan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Richard at Aga, hindi na napantayan ang mga baguhan!
Richard at Aga.

Dahil sa advice na rin ng aming doctor, naisipan naming mag-ikot para makapag-lakad-lakad, at saan ka ba maglalakad kung hindi ka nakakasiguro kung kailan babagsak ang ulan, kundi sa malls.

Pero aaminin namin, nalungkot kami sa nakita namin sa tatlong magkakaibang mall.

Iyong mga dating malalaking sinehan sa isang mall lahat ay sarado na, maliban sa tatlo, at apat na maliliit na sinehan.

Ang palabas pa ay puro mga lumang pelikulang Ingles, maliban doon sa isang tungkol sa dinosaurs.

Walang isa mang pelikulang Pilipino sa mga sinehan.

Ang daming sinasabing pelikulang Tagalog, pero lahat sa internet lang ipinalalabas dahil karamihan ay sex ang tema na hindi makakalusot sa MTRCB.

Madadaanan mo rin ang garments stores, na dati ang makikita mo ay mga artistang Pilipino ang kanilang mga modelo. Aba ngayon ay wala nang Pinoy at puro na sila Koreano.

Matatawa ka, pati tindahan ng doughnut at hamburger, Koreano na rin ang models.

Bakit Koreano pa eh kaya naman ng mga artistang Pilipino na kumumbinsi na bumili ng mga produkto nila.

Iyong isang garment factory, sumikat iyan dahil sa endorsement ni Richard Gomez. Iyong tindahan ng hamburger, sumikat naman iyan dahil kay Aga Muhlach.

Talaga bang wala nang power sa endorsement ang mga bagong artista ngayon?

Kinagabihan ang kasama naman namin ay mga kaibigan mula sa advertising industry, at may sinabi silang dahilan sa amin kung bakit nangyayari ang ganoon. Mas madali raw kausap ang foreign artists bilang endorsers kaysa sa local.

Iyong local artists bukod sa napakataas na presyong ibinibigay ng managers, ang dami pang hinihinging requirement.

Iyong foreigners daw mas diretsong kausap. Isa pang dahilan ay iyong “globalization.” Mas madali raw magbenta sa abroad kung ang endorser mo ay mga foreigner dahil kilala rin doon, kaysa sa mga artistang Pilipino na ipakikilala mo pa.

Dinugtungan pa nila na “hindi lahat sila parang Aga Muhlach o Richard Gomez, na kahit na saan mo iharap ay magki-click.”

Isa pa, sabi nga nila, wala nang producers na nagbi-build up ng artista ngayon.

Ni wala na nga halos gumagawa ng malalaking pelikula.
Saan ka kukuha ng malalaking artista?

Tom, itinanggi ang mga paratang ni Carla

Ngayong lumabas na ang divorce decree nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, dapat tapos na ang usapan.

Dahil si Tom ay isang American citizen, sinasabi sa ating batas na kinikilala natin ang diborsiyo ng isang Pinoy at isang foreigner kung saan kinikilala ang divorce sa kanyang bayan.

Pero sina Tom at Carla ay ikinasal sa isang simbahan. Hindi ikinikilala ng simbahan ang diborsiyo.

Ibig sabihin kung magpapakasal sila ulit, maaaring gawin iyon sa sibil, pero hindi sa simbahan kung hindi sila makakakuha ang annulment. Iyon lang at tapos na ang usapan.

Iginiit din ni Tom na kahit minsan ay hindi niya pinagbuhatan ng kamay si Carla. Pero inamin niyang naubos ang kanyang kabuhayan nang takbuhan siya ng isang kasosyo na pinagtiwalaan niya pero scam pala.

 Iyon ang hinabol niya hanggang Cebu, pero wala na rin.

Marami ang may suspetsa na isa iyon sa dahilan ng kanilang split. Papaano nga naman ang kanilang kinabukasan?

Male newcomer, sa abroad na rumaraket

Big time na talaga ang “sideline” ng isang male newcomer. Kung noon ay tambay lang siya sa watering holes sa Makati, aba ngayon pala ay sa abroad na siya pumapasada.

Nakita siya ng isa nating source sa airport na paalis papunta sa isang Asian country, kasama ang isang may edad na gay man.

Mga Asian country raw kung saan hindi na kailangan ng visa ang madalas na destinasyon ng mga nagsa-sideline lang.

Tutal pinakamatagal na naman sa kanila roon ang isang linggo.

Aba big time na ang kanilang secret sideline ha.

 

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with