^

PSN Showbiz

Sylvia tinotodo ang bonding sa bunso habang bata pa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Sylvia tinotodo ang bonding sa bunso habang bata pa!
Xavi & Sylvia
STAR/ File

Sa bunso habang bata pa! After mag-Europe, sa New York City naman nagliliwaliw si Sylvia Sanchez kasama ang bunso niyang si Xavi. Na-enjoy si Xavi sa bonding nilang mag-ina at pamamasyal.

Ramdam sa mga post ni Sylvia na sobrang saya rin siya sa pamamasyal nila ng anak at ilang mga kasama.

Malapit nang mag-teenager si Xavi kaya sinasamantala na ng aktres na palaging kasama ang anak.

In fairness, guwapo rin si Xavi at puwedeng-puwedeng maging artista.

Nakita mo na rin si Xavi, Ateng Salve, at talaga namang kapansin-pansin ang kaguwapuhan nito, huh!

Kasama nga rin pala nila ang asawa ni Sylvia na si Art Atayde nang mag-Europe sila.

‘Yun na!

Luigi, ‘di isnabera

Si Beatrice Luigi Gomez sa It’s Showtime segment na Sexy Babe. Pumalit muna siya kay Ruffa Gutierrez na nasa isang out-of-town event.

After ng kanilang segment, dialogue ni Annabelle Rama, gusto niya ang beauty ng Miss Universe Philippines 2021.

Hinayang na hinayang nga si Bisaya na hindi raw nanalo sa Miss Universe si Beatrice.

Sabi pa niya sa amin ni Raymond Gutierrez, “Sayang si Beatrice, first runner-up lang.”

Pero kinorek ko si Bisaya, na nasa Top 20 ito, at hindi first runner-up.

Natawa na lang si Bisaya sa “correction, please” ko sa sinabi niya.

Nang paalis na kami ng studio, nakita namin si Beatrice sa may driveway na panay ang pictorial para sa kanyang social media accounts.

In fairness nga pala kay Beatrice, pala-smile siya at palabati sa mga taong nakakasalubong.

Bongga!

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with