^

PSN Showbiz

Gerald, bagong cheerleader ni Ivana

SHOWBIZ GANERN! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, bagong cheerleader ni Ivana
Ivana at Gerald
STAR/ File

Mapapanood na simula June 27 ang A Family Affair na pinagbibidahan ni Ivana Alawi.

Katambal ng aktres sa naturang serye ng Kapamilya Channel sina Gerald Anderson, Jameson Blake, Jake Ejercito at Sam Milby.

Bilang mag-asawa sa bagong proyekto ay nagkaroon ng intimate scenes sina Ivana at Gerald. Ayon sa binata ay talagang inalagaan niya ang sexy actress habang ginagawa ang kanilang mga maiinit na eksena “Hindi naman kinabahan. First of all, pinuntahan pa ako ni direk Jerome (Pobocan) sa tent bago kami kunan. In-explain niya sa akin kung ano ang gagawin at kung paano namin gagawin. Sabi ko, ‘Talaga direk? Di ba pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Pang-Netflix ‘to!’ Siyempre first leading role ni Ivana, sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene?’ Kinakausap ko ‘yung mga PA, si direk. Minsan kapag feeling ko hindi na ganoon kakumpor­table o medyo parang may nakikita o medyo revealing, titingnan ko si direk, siya (Ivana) ‘yung priority,” kwento ni Gerald.

Napahanga rin umano ang binata sa pagiging magaling na aktres ni Ivana. “From now on, I’m a fan, at magiging cheerleader ako. Sana after this, isi-share pa rin niya ‘yung talents niya sa ating lahat. Exciting kung ano pa ang kaya niyang gawin. Abangan n’yo ang napaka-amazing na Ivana dito,” giit ng aktor.

Jane, gumaling mag-ping-pong sa Baguio

Magtatapos na sa susunod na Biyernes ang The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez at Zanjoe Marudo.

Kabilang din sa naturang serye si Jane Oineza na gumanap bilang si Diane.

Aminado ang dalaga na talagang nakaramdam ng pressure sa proyekto dahil magagaling ang kanyang mga nakasama rito. “There was pressure kasi grabe din ‘yung weight ng project na ito. It was more on talking to them, collaborating with them. It helped na meron kaming general assembly before kami sumalang para ma-inject ko rin ‘yung sarili kong mga experien­ces into Diane and creating her. Para hindi rin gayang-gaya do’n sa mga na-remake na. So every time na tutuntong ng set, I just make sure na talagang na-study na ‘yung gagawin namin. Para alam na namin ‘yung cha­racters namin by heart,” pagbabahagi ni Jane.

Ayon sa aktres ay nagkaroon sila ng sports festival sa tuwing walang eksenang kinukunan sa lock-in taping na nangyari sa Baguio ilang buwan na ang nakalilipas.  “One long cycle kaming nasa Baguio. So ang tagal naming magkakasama. Every rest day namin we have a sports fest. ‘Yung accommodation namin, ‘yung top floor meron no’ng una net lang, hanggang sa parami nang parami. Nagkaroon ng mga racket, ping-pong table. Nagsimula ‘yon na kami ni Sue hindi kami marunong masyado mag-ping-pong, hanggang sa paglabas namin ng Baguio, ang galing na namin. May volleyball, badminton, may sarili kaming Star Magic Games,” natatawang kwento ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with